Twenty-two

18.9K 474 16
                                    

Twenty-two

Carla...

Dumaan ang isang buwan na hindi man lang niya namamalayan.

Sa loob ng isang buwan hindi talaga nagpakita si Jake sa kanya kahit na anino man lang nito. Minsan nabigla nalang siya pagdating niya sa bahay nila nakita niya si Lucy.

Iniwanan lang ito ni Jake sa mama niya at babalikan nalang daw sa lunes kapag nakapasok na siya.

Hanggang sa naging routine na nila iyon sa tuwing Friday darating si Jake sa bahay nila habang nasa school siya at hinahatid si Lucy sa kanila. Babalik lang ito kapag lunes kapag nakapasok na siya para naman kunin si Lucy.

Wala namang iniiwanan na bilin sa kanya ang asawa, basta lang daw iniiwan ang aso doon.

"Hoy"tawag sa kanya ni Topher.

Pasukan na naman kasi kaya naman kasama na naman niya ang mga kaibigan niyang ito.

"Tulala ka girl"puna naman ni Kyla sa kanya.

Hindi naman niya sinagot ang mga ito at tumingin lang sa malayo.

"Eiiii"tili ni Violet ang narinig niya na nakapagpalingon na naman sa kanya sa mga ito.

"Bigay ba iyan ni fafa Jake?"turo nito sa kamay niya.

Nang tining naman niya ang tinutukoy lang naman nito ay ang wedding ring nila ni Jake. Nakalimutan niyang alisin kaninang pumasok siya. Isinusuot lang naman niya ito pag-uuwi na siya sa bahay nila at aalisin niya kapag papasok na siya sa school.

"Hindi ahh"tangi niya sa mga ito.

"Ay, panira ng moment"dismayadong sagot ni Violet.

"Akala ko pa naman lumuhod na sa harapan mo si Jake at inaya ka niyang magpakasal"dagdag ni Donita.

"Gaga, kasal agad hindi ba pwedeng girlfriend muna"sita naman ni Topher kay Donita.

"Girl, kanino galing iyan?"tanong sa kanya ni Kyla.

Ano bang isasagot niya, hindi naman niya afford ang ganitong singsing. Ano nga ulit sabi ni Jake dito pinasadya pa niya ito sa ibang bansa.

"Bigay ni mama, nakita niya daw sa tiange"pagsisinungaling niya.

Lahat naman sila hindi naniwala sa sinabi niya, hindi naman kasi kapani-paniwala ang sinabi niya. kaya naman ang ginawa niya tinago nalang niya ang kamay niya para hindi na pansinin ng mga ito.

"Hindi mukhang galing sa tiange"sagot ni Topher.

"Oo nga, mukhang mamahalin"segunda pa ni Violet.

"Yayamanin"ani Donita.

"Tigilan niyo na nga si Carla"saway naman ni Kyla sa mga ito.

"Thanks Baks"bulong niya kay Kyla.

"Pero girl, sigurado ka galing tiange iyan, ang ganda eh. Baka naman bigay ni Jake"bulong sa kanya ni Kyla.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ni Kyla, kala pa naman niya matatapos na ang topic tungkol sa singsing niya, pero nagkamali siya halos maghapon na pinag-usapan ng mga kasama niya ang singsing niya.

"Hi Carla."bati sa kanya ni Madison.

Nandito na naman ang kapatid at nanay ni Marco sinusundo na naman si Kyla.

"Hi Madison"sagot niya.

"Sama ka samin Carla"aya pa nito.

"Bakit saan kayo pupunta?"tanong naman ni Kyla.

My Secret One (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora