Forty-five

30K 570 33
                                    

Forty-five

(-_-;) Ender ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Carla...

Frustrated na naupo siya sa couch sa kwarto nila ni Jake. Dalawang araw nalang kasal na nila, naiinis siya kasi nakakulong siya sa bahay sa buong time ng preparation.

May kinuhang wedding planner at wedding coordinator si Jake na siyang mag-aayos sa kasal nila, tinanong lang siya kung ano ang gusto niyang mangyari para sa kasal nila.

Na ikinaiinis niya kasi naman, ang tagal niyang pinangarap na maikasal sa simbahan na siya ang mag-aayos ng kasal nila, pero heto siya ngayon nasa bahay lang.

After kasi ng epic fail na wedding proposal niya kay Jake, agad na pinaayos nito ang kasal nila. Halos dalawang linggo lang ang preparation para daw hindi pa masyadong halata ang tyan niya sa araw ng kasal nila.

"Urgh...Jake"tawag niya sa asawa.

Nasa banyo ito at naliligo, papasok pa kasi ito sa trabaho ngayong umaga dahil may kailangan lang siyang pirmahan na mga mahahalagang papels para kapag nagbakasyon sila wala ng aabala sa kanila.

"My love, wag makulit"saway sa kanya ni Jake ng lumabas na ito sa banyo.

Naiinis na nahiga nalang ulit siya sa kama, kasi naman naiinip na siya ng sobra. Mula din kasi ng malaman ni Jake na buntis siya hindi na siya nito pinalabas pa ng bahay. Todo ingat ito sa kanya ngayon, naiinitindihan naman niya kasi alam niyang natatakot lang itong baka kung may anong mangyari sa kanila ng anak nila.

"Kahit pupunta lang ako kila Mama"kausap niya dito na nakatitig sa kisame.

"No, papupuntahin ko nalang sila Mommy at Mama dito after ng gagawin nila"sagot nito sa kanya.

"Kainis, naiinip ako Mahal!"inis niyang pinaghahampas ang paa at kamay sa kama.

Natatawa naman na nilapitan siya ng asawa niya.

"Stop it, baka pumangit ang baby natin."natatawa nitong turan.

Walang ingat na bumangon siya, at naiinis na tinitigan ito.

"Kung pangit ang anak ko, iyon ay dahil sayo. Pangit ka kasi"naiinis niyang turan nito.

"Shit, my love naman ako pangit?"nakasimangot na ito ngayon.

"Umalis ka na nga sa harapan ko. Naiirita ako sayo"taboy niya dito.

"My love ha, ako lang pinaglilihian mo"bilis nagbago ng mood ng loko, nakangisi na ito ngayon.

"Tse, ako naglilihi? Hindi kaya ikaw kaya ang naglilihi"

"I love you my love"lambing sa kanya ni Jake.

"I love you too, pwede na akong lumabas"ganting lambing niya.

"No"malambing na sagot nito sa kanya.

Kaya naman tinulak-tulak na niya ito palayo sa kanya. naiinis na kasi siya ng sobra dito, hindi man lang siya pinagbigyan nito.

..............................

Bukas na ang kasal nila ni Jake, at wala siyang kahit na anong makitang preparation sa bahay nila. Walang nagdadala ng mga gagamitin niya doon, hindi man lang niya makita kahit ang mga souvinier nila o kaya naman invitation man lang.

Pati gown niya hindi niya alam kung okay na, as in wala siyang nakita kahit na ano.

Para hindi siya ikakasal bukas.

Kapag ako nainis hindi kita sisiputin Jake.

Naiinis na sumandal siya sa head board ng kama nila at malalim na nag-isip.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon