Forty-one

23.5K 474 8
                                    

Forty-one

Carla...

Hindi siya makapaniwala na all along mali pala ang akala niya. pinahirapan pa niya ang sarili niya at si Jake sa maling akala niya.

"Akala ko talaga sayo ang batang iyon?"tanong niya kay Jake.

Nakahiga na sila ngayon para matulog, medyo late na silang makakatulog dahil na din sa drama ng kapatid ni Jake at ni Stella.

Hindi niya alam na nasa pilipinas na pala si Caleb, na kasal na ito at si Stella. Simpleng kasal lang din ang naganap noong time na wala siya sa Pilipinas kaya hindi niya alam.

"Ano ka ba naman my love, loyal ito. sa apat na taon na wala ka dito hindi ako tumingin man lang sa ibang babae kasi busy akong hinahanap ka."sagot sa kanya ni Jake.

Tiningnan naman niya ito ng masama.

"So kung hindi mo ako hinahanap noon hindi ka busy ibig bang sabihin may time kang tumingin sa ibang babae?"pagtataray na naman niya.

"Wala din, kahit na palaging nasa magazine kami ni Stella noon ni minsan hindi ako nagpadala sa pang-aakit niya sakin. Ginagamit ko lang si Stella noon, baka kasi kapag nabasa mo ang magazine magselos ka bigla ka nalang umuwi di ba?"paliwanag nito.

"Pero paanong naging sila ni Caleb kung inaakit ka pala ni Stella noon?"takang tanong niya.

"Hindi ko din alam, pero tinanong ko noon si Stella ng umamin siyang buntis sakin. Sabi niya ginagawa lang din niyang lumapit at akitin ako kasi pinagseselos niya lang si Caleb ayaw daw kasi umamin"anito.

So naggamitan lang silang dalawa.

Niyakap siya ni Jake, pero wala pa yatang isang segundo naitulak na niya ito palayo sa kanya.

"Bakit na naman my love?"takang tanong nito sa kanya.

"Naalala ko, hinalikan mo ako kanina. Kaya hindi ka tatabi sakin"sikmat niya dito.

Hindi naman iyon ang dahilan niya, sa totoo lang hindi niya gusto ang amoy ni Jake. feeling niya ang baho nito sa pang-amoy niya.

"My love naman, halik lang naman iyon hindi pa nga torid nagawa ko smack lang palalayasin mo na ako sa higaan natin"pagtatampo naman nito.

"Basta, sa kabilang kwarto ka muna"taboy pa din niya dito.

"Isa my love hindi nakakatuwa"banta nito sa kanya.

"Sige, ayaw mo. Uuwi nalang ako kila mama."ganting banta niya.

Naiinis na umayo naman ito at naglakad na palabas sa pinto.

"Hindi na magbabago isip mo my love?"tanong sa kanya ni Jake.

"Hindi na"aniya sabay talukbong ng kumot.

Iba na ang nararamdaman niya sa katawan niya, isa lang ang makakasagot ng mga naiisip niya ngayon. Bukas kailangan niyang magpacheck up. Pero malakas ang kutob niya na buntis siya, kasi simula ng magkabalikan sila ni Jake hindi pa siya dinadatnan.

...................

"Girl"

Tawag sa kanya ni Kyla, hindi niya inexpect na nasa clinic ito ngayon. Minsan na niyang nasamahan si Kyla sa clinic na iyon kaya kilala na niya ang OB-GY doon.

"Baks"pilit niyang pinasaya ang boses niya.

"Why are you here? Papacheck up ka din? OMG buntis ka?"gulat na tanong sa kanya ni Kyla.

Tiningnan niya ang likod nito kung kasama nito si Marco, and fortunately hindi nito kasama ang asawa. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag.

"I think so, that's why I'm here to confirm it"sagot niya dito ng masigurong wala ang asawa nito.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon