Eight

19.4K 524 16
                                    

Eight

Jake...

Wala siya sa mood na sumama sa mga kaibigan niya para magBar ngayon. Himala kasi ngayon lang siyang nawalan ng gana sa ganitong bagay. Lalo pa kadikit ng pagbaBar nilang magkakaibigan ang pangbabae nila.

"Bro, sumama ka na hindi pwedeng hindi buo ang grupo"pangungulit sa kanya ni Benjamin.

"Tsk...sige na nga"siya naman nagpapilit naman.

Ang tagal na nilang pabalik-balik doon sa Bar ng kaibigan niya. kaya siguro nakakaramdam na din siya ng pagkainip dahil na din sa wala naman ng bago.

Tuwing Friday lalabas silang apat magba-Bar silang apat, after nilang magpakalasing may lalapit na babae uuwi na, paggising sa umaga tapos na ang party pauuwiin na nila ang mga babaeng nakakasama nila.

Nakakasawa na sa part niya.

"Tahimik mo naman"sita sakanya ni Malik.

"Inaantok na ako"walang gana niyang sagot sa kaibigan.

"The night is still young"nakangisi pang sagot ni Benjamin.

Hindi niya ito pinansin at nag-inom nalang siya ng tahimik. Nang nainim na silang magkakaibigan doon bumaba na sila para makisalamuha sa mga tao doon. Well ang mga kaibigan niya para makahook ng bagong biktima.

Siya wala sa mood, kapag nag-aya ng umuwi ang mga ito uuwi na siya. Pahinga muna ang araw na ito. hindi naman siya mamamatay kung hindi siya makakapag-uwi ng babae ngayon na maikakama.

Nawala na sa paningin niya ang mga kaibigan niya, siya naman naupo nalang sa Bar Counter para magmasid nalang doon.

Madami ng nag-eenjoy na nagsasayaw sa dance floor, karamihan mga lasing na.

"Tsk..."

"Pssst.. kuyang Bartender anong masarap na alak meron dito?"naagaw ang atensyon niya ng boses na iyon ng isang babae sa tabi niya.

"Martini at Bloody mary, you choose gorgeous."pacute naman ng bartender sa dalaga.

Napataas pa ang kilay niya sa pagpapacute ni Jude sa dalaga.

"Bloody mary. tatlo"walang kagatol-gatol naman na sagot ng dalagang kasama nito.

He finds it cute, parang napakainosente nitong tingnan. Lalo na ng marinig niya ang tawa nito. its so sexy, nakakataas ng libido niya.

Kung kanina parang wala siyang gana sa ganong bagay, ngayon nagsisimula ng mag-init ang buo niyang katawan.

Sa sobrang dilim sa pwesto ng mga babae, hindi niya makita niya ang mukha ng mga ito.

Tatayo na sana siya para lapitan ang mga ito kaso hindi niya naabutan at nakita niyang papunta na ang mga ito sa dance floor.

Damn, ang bilis niyang nakaalis.

Binalikan niya ang alak na kanina lang iniinom niya. nakaorder pa siya ng isa pang baso, hindi naman kasi niya ugaling maghabol ng mga babae. Kaya naman naupo nalang siya ulit, kung talagang sa kanya iyong babaeng iyon sa lalapit at lalapit din sa kanya iyon.

Inililibot niya ang mga mata niya sa dance floor unknowingly hinahanap niya ang babaeng nakakuha ng atensyon niya kanina. Ang natatandaan niya nakablack itong dress, pero karamihan doon ay mga nakadress na black.

Umiinom siya sa baso niya ng mapabaling ang mata niya sa gitna ng dance floor para kasing sinadyang hinawi ang mga tao sa paligid nito para makita niya ito.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now