Five

23.1K 492 32
                                    

Five

Carla...

Ang sarap tusukin ng mata nitong lalaki na ito. kanina pa kasi siya naiinis kay Jake. Akala mo kung sinong gwapo na pacute ng pacute sa kanya kanina pa.

"My love you gwapo ko ba?"tanong pa nito habang nagpopost ng kung anu-ano sa harapan niya.

Iniirapan lang naman niya ito.

Kahit na anong gawin ng lalaking ito ewan ba bakit wala man lang siyang maramdaman na. dati naman attracted siya dito. Pero ngayon, wala na panay pagkainis na ang nararamdaman niya para dito.

"Umalis ka nga sa harapan ko"taboy niya.

Kasalukuyan silang nasa mall ngayon kasama ang mga kaklase niya, bibili kasi sila ng mga kailangan nilang materials para sa mga bago nilang projects.

"My love naman, hindi pwede. Alam mo naman na boyfriend mo na ako di ba?"bulong nito sa kanya.

Nanlalaki naman ang mata niyang nilingon ang mga kasama nila. Baka kasi marinig ng mga ito ang sinabi ng lalaking ito. kainis naman kasi naiipit siya sa sitwasyon, ayaw naman talaga niyang patulan ito. kaso lang...

Ah basta...

"Manahimik ka nga"ganting bulong niya dito.

"Aminin na kasi natin sa kanila..."pangungulit na naman sa kanya ni Jake.

"Sige aminin mo na ng matapos na din ang lahat ng ito...gusto ko iyon"pagbabanta naman niya dito.

Alam naman niyang hindi nito gagawin ang banta niya. takot lang nitong hiwalayan niya.

"Sabi ko nga secret lang"bulong nito bago dumistansya sa kanya.

"Para kayong lovers ng dalawa"sita sa kanila ni Topher.

"Tse, baklang 'to..."sagot lang niya.

"Sige Topher PARE, ibuyo mo pa si My Loves ko baka sakaling sagutin na ako nito"dagdag pa ni Jake sa sinabi ng kaibigan niya.

"Sige din Jake, basted ka na sakin matagal na"baling niya sa binata.

Inirapan niya ito at iniwanan.

"Bakla tara don"inis niyang aya kay Kyla na kung makadikit kay Marco para ng walang bukas.

"Dito nalang girl"sagot pa nito.

"Hoy, pagsinabi kong doon...doon"pasusungit niya sa kaibigan niya.

"May dalaw si Mother Earth"tumatawang biro ni Topher sa kanya.

Inirapan lang siya ito at nagsimula ng maglakad palayo sa mga ito.

"Sandali My Loves"habol sa kanya ni Jake.

Hindi niya ito pinansin at nagmadali na sa paglakad.

"Gotcha"bulong nito.

Naiinis na nilingon niya ito ng maramdaman niyang iniyakap nito ang mga braso nito sa kanyang baywang.

"Yang kamay mo puputulin ko 'yan"banta niya sa binata.

"May tagos ka my loves"balewala nito sa galit niya.

Ni hindi man lang siya nakaramdam ng pagkapahiya sa sinabi nito, bagkus tinulak niya ito ng mahina para mahiwalay sa kanya. doon lang din niya napansin na tinanggal na pala nito ang suot nitong coat at iyon ang inilagay sa kanyang bewang.

"Ang sweet talaga ni fafa Jake ko"maarteng tili ni Topher.

"Tse..."

Hanggang sa matapos ang pamimili nila hindi na sila tinantanan ng bakla niyang kaibigan. Panay ang buyo nito kay Jake, na gustong gusto naman ng binata.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon