Nineteen

21.4K 492 17
                                    

Nineteen

W A R N I N G

S P G

Carla...

"WOW!!!"kulang nalang pumalakpak pa siya sa sobrang pagkamangha niya sa lugar kung saan siya dinala ni Jake.

Maaga silang gumayak na dalawa, inilibot muna siya ni Jake sa loob ng villa nito. nanguha na din sila ng iba't ibang klase ng prutas na tanim doon. Nang mapagod sila nagpahinga lang sila tapos dinala na siya ni Jake sa lugar na ito.

"You like it?"masaya din tanong sa kanya ni Jake.

Hindi niya ito tiningnan pero tumango siya bilang sagot.

"Right decision pala ako na dito kita dinala"bulong ni Jake na narinig naman niya.

"Bubulong ka pa narinig ko naman"aniya.

Nakita niyang para itong teenager na nahihiya na humarap sa crush niya, napailing nalang siya sa harapan nito.

Naghanap sila ng mapo-pwestohan pero wala silang makita na pwede nilang upuan, kahit na maaga pa naman talaga puno na ang lugar ng mga taong dumayo o mga taga-dito na din sa lugar na ito.

"Doon nalang tayo may dala naman akong picnic blanket"turo ni Jake.

Ito na ang naglatag ng blanket at naghanda ng mga pagkain nila. Napagkasunduan kasi nila kanina na magpicnic kaya sila nandito ngayon.

"Anong gusto mong kainin my loves?"tanong sa kanya ni Jake.

Narinig naman niya ang sinabi nito pero hindi niya pinansin. Nakatuon kasi ang pansin niya sa mga bata na naghahabulan para kasing ang saya nilang tingnan habang naglalaro. Hindi kasi niya iyon naranasan noong bata siya kasi naman lumaki siya sa City. Kapag umuuwi sila sa probinsya ng mama niya hindi naman siya close sa mga pinsan niya kaya ang ending nagkukulong lang siya sa bahay.

Nagulat nalang siya ng biglang may humawak sa buhok niya na para bang inaayos ito.

"Jake"saway niya ng makilala ang humahawak sa buhok niya.

"Shh... hindi ko makita ang magandang mukha ng asawa ko"bulong ni Jake.

Nasa likuran niya ito at abala sa pag-aayos ng buhok niya. pinabayaan lang naman niya ito sa kung anong gusto nitong gawin. Nang matapos nitong ayusin ang buhok niya kinapa niya kung anong ginawa nito. napataas pa ang kilay niya ng makapang tiniritas ni Jake ang buhok niya.

"Hindi ko alam na marunong kang magtirintas?"manghang tanong niya dito.

Tumawa muna ito bago sumagot.

"Don't think I'm not straight napatunayan ko na iyan sayo. Baka gusto mo ulitin natin para mapatunayan ko ulit"tumatawang sagot nito sa kanya.

"Pervert"irap niya dito.

"Seryoso kasi, bakit alam mong magbraid ng buhok?"hindi niya maiwasan na hindi macurious.

"Wag kang magagalit."sagot nito.

Nakakunot ang noo niya na pinagmasdan niya ito. sasagot lang naman ito sa tanong niya, bakit sasabihin nito sa kanya na wag siyang magagalit.

"Remember the girl in the Bar?"tanong nito.

Sinong babae?

Hindi siya nagsalita hinintay lang niya ang susunod na sasabihin nito.

"Stella, the you saw me kissing....no scratch that hindi ko siya hinalikan siya ang humalik sakin promise"nagmamadaling paliwanag niya.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito. naalala na niya ang sinasabi nito, bigla tuloy siyang nawala sa mood.

"Lasing kasi siya 'non my loves kaya hindi niya alam ginagawa niya"habol pa nitong paliwanag.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon