Forty-four

24.9K 573 8
                                    

Forty-four

Carla...

Excited na siya para bukas.

Okay na ang lahat, maghihintay nalang siya para bukas.

"My love maaga akong uuwi mamaya, pero may dinner meeting ako with some of investor sa IT world"paalam sa kanya ni jake.

Ang tinutukoy nito ay negosyong pag-aari ni Jake at ni Stella. Hindi ito kasama sa mga negosyo nila Jake at ng mga kaibigan nito. kumbaga sariling negosyo ito ni Jake na kasosyo ang hipag nito.

"Okay"sagot lang niya.

"Kainis naman kasi si Stella, sinbi ko ng ayoko ng mga dinner meeting kasi wala kang kasama dito sa bahay, nagset pa din ng dinner meeting"reklamo nito.

"Sige na, male-late ka na naman"taboy niya sa asawa.

"Kiss ko muna"nanghahaba ang nguso nito na naghahantay ng halik mula sa kanya.

Naiiling naman na hinalikan niya ang labi nito bago itinulak pasakay sa kotse nito.

Nang makaalis ang asawa niya, wala naman siyang pinaggagawa kundi ang tawagan ang mga makakasama niya bukas para sa gagawin niya bukas.

Magtatanghali na ng may magdoorbell sa main door nila. Dahil wala naman silang kasama sa bahay siya lang ang pwedeng magbukas ng pinto.

"Stella?"takang tanong niya sa bisita niya.

"Can we talk?"malumanay na tanong nito sa kanya.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito. Wala itong kasama, wala naman din siyang ideya kung bakit ito narito ngayon.

"Pumasok na si Jake sa opisina, ang alam ko sa IT World siya papasok ngayon"aniya ng makaupo na sila.

"Alam ko, hindi naman siya ang pinunta ko dito. Ikaw"sagot nito.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito. hindi naman sila close nito, sa pagkakatanda niya naiinis siya dito noon, nabawasan lang ng kaunti kasi asawa na ito ni Caleb.

"I just want to say sorry for every thing I've done"anito.

"You don't have to, wala ka namang ginawa"sagot niya.

"Meron, una I talk to you na layuan si Jake, because I'm selfish."anito.

Hindi naman siya nakakibo sa sinabi nito sa kanya.

"I watch your interview Carla, I know what happened to you."nangingilid na ang luha nito.

"I want to say sorry, sana mapatawad mo ako. Kung hindi kita kinausap noon sana hindi ka nakunan. Ako ang dahilan kung bakit ka nastress at nakunan. I'm really sorry. Kung alam ko lang na buntis ka noon hindi na ako nanggulo pa"nagsimula ng umiyak si Stella.

"Shh..Stella wag ka ng umiyak. Makakasama sa baby mo ang pag-iyak"nilapitan niya ito at inalo.

"Kung alam ko lang..."anito.

"Tahana, let's forget the past...I already move on, kaya move on ka na din ha...for your baby"sagot niya.

"Pero hindi madali ang pinagdaanan mo ng dahil sakin."anito.

"But that makes me stronger, oo mahirap ang pinagdaanan ko. Hindi madaling kalimutan ang nangyari, but don't put all the blame in you. pare-pareho lang tayong nagkamali, nakagawa ng mali. So Move on na tayo ha, I forgive you already. Isa pa we're now family. Magkapatid ang mga asawa natin"nakangiti niyang paliwanag dito.

Ilang minuto lang tumigil na din ito sa pag-iyak, nakakapagkwentuhan na sila ngayon.

"Sino ba naman ang matutuwa na ang asawa mo mas bata sayo. I'm older than Caleb, 6 years to be exact. Kaya hindi ko matanggap noon"kwento nito.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now