Thirty-eight

18.6K 431 4
                                    

Thirty-eight

Carla...

Mabilis na natapos ang lahat ng trabaho nila ng mga kaibigan niya. May dalawang gabi pa sila para magbakasyon, nasa Palawan sila ngayon.

Kanina lang nasa tabing dagat lang sila at nag-iinuman.

"My love tabi kasi tayo"pangungulit ni Jake sa kanya.

"Hindi pwede"matigis niyang tangi.

"Sige naman na please"pagmamakaawa nito.

"Ayoko"tanggi na naman niya.

Niyakap siya nito ng mahigpit, napalingon lingon naman siya sa paligid nila. Baka kasi biglang dumating ang mga kaibigan nila. Wala pa din kasing kaalam alam ang mga kaibigan nila sa kanilang relasyon ni Jake.

"Makita tayo ng mga kaibigan natin"saway niya kay Jake.

"Pwede naman na nilang malaman kung ano talaga tayo."nakangisi pa nitong sagot.

"Sige paalam mo sakanila hihiwalayan kita"panakot niya.

Bigla namang humiwalay sa kanya si Jake, umasta pa itong parang hindi siya kilala nito sa sobrang layo nito sa kanya. natatawa naman siya sa kalokohan nito.

"Miss anong pangalan mo? Ang ganda mo kasi"sabi pa nito sa kanya.

Lalo naman siyang napatawa sa sinabi nito sa kanya.

"Carla"sakay naman niya sa kalokohan nito sa kanya.

"Ako hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?"tanong nito sa kanya.

"Not interested"walang gana niyang sagot dito.

"Ouch, pero papakilala ako. I'm Jake Miller your future to everything"pakilala nito.

Pigil naman ang tawa niya sa sinabi nito sa kanya.

"Okay"sagot niyang nagpipigil sa tawa.

"May boyfriend ka na?"patuloy na pangungulit nito sa kanya.

Ang kulit talaga nito, nakainom naman kasi ito kaya makulit ito ngayon sa kanya.

Naalala niya, suot niya ang singsing nila ni Jake. Ngayon nalang niya ulit ito sinuot. Nakapendant lang naman ito sa kanya mula noon, hindi lang niya sinusuot kapag may party silang pinupuntahan.

Itinaas niya ang kamay at pinakita ang singsing niya.

"Married"simpleng sagot niya.

Nanlaki naman ang mata ni Jake na napatingin sa kanya niya.

"Fvck, suot mo my love"excited na nilapitan siya nito.

Sasagot pa sana siya kaso sinugod na siya ng halik ni Jake.

"Damn, you don't know how happy I'am my love."sabi nito sa pagitan ng halikan nilang dalawa.

Napangiti lang siya, nag-iipon na siya ng mga magagandang ala-ala kay Jake. para kapag dumating ang araw na iiwanan na niya si Jake may magandang alaala naman siyang babaunin.

Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I love you Jake"bulong niya dito.

"I love you too"madamdamin na sagot nito sa kanya.

...................

"Kamusta kayo ni Jake girl?"tanong sa kanya ni Kyla.

Busy siya sa pagdesign ng mga damit para sa susunod nilang fashion gala. Nakabalik na sila sa Paris na magkakaibigan. Wala pang masyadong ginagawa si Issay dahil nagpapractise lang ito para sa Elena's Secret runway.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now