Twelve

20.1K 452 12
                                    

Twelve

Carla...

True to his word, hindi nga siya pinilit ni Jake na gampanan ang pagiging asawa niya dito. Walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't isa. Nakabording house pa din siya kapag school days, at kapag school days niya nandoon pa din si Jake hatid sundo siya na parang nanliligaw pa din. Hindi din nila sinasabi sa kahit na sino ang tungkol sa kanilang dalawa.

Ang nabago lang kapag Friday kaysa sa bahay ng parents niya sa condo na ni Jake ang tuloy niya. ganoon ang set-up nilang dalawa ni Jake sa halos dalawang buwan nilang kasal.

Nagtatabi naman sila sa pagtulog ni Jake, pinanindigan naman ni Jake na hindi siya nito gagalawin kahit na anong mangyari. Nagiging kampante na nga siya sa asawa niya, unti-unti natututunan na niyang magtiwala dito.

Nagulo lang silang ulit ng biglang nag-alsa balutan si Issay at iniwanan si Malik.

Lahat ng pinagsamahan sila ni Jake biglang ng back to zero ulit.

Natakot na siyang magtiwala.

Dalawa sa kaibigan niya ang naloko ng mga kaibigan ni Jake. Parehas na babae ang dahilan ng lahat, kaya naman naiisip niyang gaya ng mga kaibigan ni Jake magagaya din ang asawa sa mga kaibigan nito.

"Myloves kausapin mo naman ako"pagmamakaawa ni Jake sa kanya.

Simula ng umalis si Issay sa condo ni Malik hanggang ngayon na nakaalis nan g bansa si Issay hindi pa din niya kinakausap ito. hindi din siya umuuwi sa condo unit nila, mas pinili niyang magstay sa bahay ng mga magulang niya.

"My loves"tawag sa kanya nito.

Pero nagbusy-busy-han lang siya sa pag-i-sketch ng mga design ng gowns.

Ano bang ginagawa ng halimaw na ito dito?

Nasa bahay lang kasi siya ng mga magulang niya, wala dahil SemBreak nila sa school. Hindi naman nagtataka ang mga magulang niya na doon siya tumutuloy sa bahay ng mga ito. sabi kasi niya bakasyon naman, at pinayagan siya ni Jake na tumuloy doon.

"Oh Jake nandito ka pala"puna ng mama niya.

Kagagaling lang ng likod bahay ang mama niya, mukhang kakatapos lang maglaba.

"Opo mama, sinusundo ko lang po si Carla"masayang sagot nito.

Bigla naman niyang naputol ang lapis na hawak niya sa narinig. Nanggigil na tiningnan ang lalaki sa harapan niya.

"Pero nagbago na po ang isip ko, baka po mainip si Carla sa condo kasi wala po siyang kasama doon"biglang bawi ni Jake sa sinabi sa ina niya.

"Ang bait mo talagang asawa Jake"masayang turan ng ina niya.

Tumayo siya at pumasok na sa loob ng kwarto niya, naiinis siyang makita si Jake. Kapag nakikita niya ito naalala niya ang kaibigan niyang si Issay.

Wala namang ginawa si Jake sa kaibigan niya kaso lang hindi niya maiwasan na hindi mainis sa lalaki.

"Carla, kausapin mo naman ako please"hindi niya alam na sinundan pala siya nito sa loob ng kwarto.

"Pwede ba Miller, tigilan mo ako. Obvious naman na ayaw kitang kausap di ba"pinanlakihan pa niya ng mata ito.

"I know what going on. Kung ano ang pinaghuhugutan ng galit mo sakin pero it's not my fault kung nagkahiwalay sila Malik at Issay."hindi siya nito pinansin nagsalita pa din ito.

Nagdadabog na nahiga siya sa kama at kahit katanghaliang tapat nagtalukbong siya ng kumot hanggang sa ulo niya. pinapakita lang niya na ayaw niyang kausap ito.

My Secret One (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu