Twenty-nine

18.3K 446 8
                                    

Twenty-nine

Carla...

Hindi sila nakauwi sa bahay ng mga magulang niya ngayon dahil nadin nagpapagaling pa si Jake, kaya naman nagpaalam siya kay Jake na uuwi siya sa mga magulang nito.

Pero sa totoo lang maikipagkita siya kay Stella. Sumaglit siya sa bahay nila para naman hindi maghinala si Jake. Alam niyang tatawag si Jake sa bahay nila kung nandoon na siya.

Nang malapit na ang oras ng usapan nila ni Stella umalis na siya, nagpaalam siya sa mga magulang na pupuntahan muna niya ang mga kaklase niya bago umuwi. Para naman kapag tumawag na naman si Jake iyon ang sasabihin ng mga magulang niya.

Pagdating niya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Stella bigla siyang nakaramdam ng panliliit dito. Nandoon na ang mga kausap niyang dalaga.

Nasa isang fine dinning restaurant silang dalawa ngayon. Naalangan siya sa suot niya, naka jeans, rubber shoes, at polo shirt lang kasi siya. Samantalang ang mga tao doon ang gaganda ng mga damit mga naka formal suit at dresses ang mga taong kumakain doon.

Maging si Stella, mapagkakamalang modelo ang dalaga sa suot nito red off shoulder dress na eleganteng tingnan. Maayos din ang pagkakamake up at ayos ng buhok nito, with matching killer stiletto pa.

"Have a seat"sophisticated na iminuwestra nito ang upuan sa harapan niya.

Hindi naman niya pinahalata na naintimidate siya sa pinapakita sa kanya ni Stella. Siguro gusto lang nitong magself pity siya sa hindi niya naman malaman na dahilan kung bakit.

"I won't take long, kailangan ko din makauwi agad"simula niya.

Tumaas naman ang kilay nito sabay taas ng isang sulok ng labi nito. Mahinhin na kinuha nito ang menu at tinawag ang isang waiter. Ito na ang umorder ng para sa kanya, hindi man lang siya tinanong kung ano ang gusto niya.

"Let's eat first"turan nito ng dumating ang inorder nito.

A very fine women, iyon ang pinapakita nito sa kanya. ang hinhin kasi nitong kumilos, para itong isang prensesa kung kumilos. Hindi makabasag pinggan, pino ang bawat galaw nito. mula sa pahihiwa ng steak hanggang sa pagsubo at pagnguya nito with poise pa rin. Maging ang pagpupunas nito ng table napkin sa gilid ng bibig nito mahinhin din.

Naiinis siya kasi kahit alam niya naman ang mga ganitong klase ng setting hindi niya maiwasan na hindi humanga sa dalaga.

Hindi kasi siya ganito kung kumilos. Magaslaw siya kung tutuusin, dahil na din sa kinalakhan niya marahil. Ngayon niya pinagsisihan na nakipagbarkada sila ni Issay sa mga tambay sa kanto nila noon. Hindi niya tuloy napractise ang pagiging Maria Clara niya.

"So"with poise na naman umayos ng upo.

"Anong so?"pinagtaasan niya ng kilay ito.

"I just want to say na layuan mo na si Jake. Your no good for him"deretsang sabi nito sa kanya.

Napasinghap naman siya sa pagiging straight to the point ng babaeng ito sa kanya. sino ba naman ito para utusan siyang layuan si Jake. Ano ba ito ni Jake, ang alam niya kaibigan lang naman ito ni Jake, samantalang siya naman asawa.

"What if ayoko"hamon niya sa babae.

Kainis bakit sa pagtawa din nito may poise din, para itong manika sa harapan niya.

"Alam ko naman na iyan ang sasabihin mo, bakit naman hindi... Jake is a good catch after all. Bukod sa gwapo na may pera pa. kaya kahit na sino hindi siya kayang pakawalan nalang basta. But believe me girl your not worth it for Jake."kampante nitong turan.

Hindi naman siya makahanap ng isasagot niya sa sinabi nito kaya naman nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.

"Ano na ba ang nagawa mo kay Jake. Bukod sa magpahabol sa kanya ng magpahabol. Wala hindi ba, kasi wala ka naman ibang ginawa kundi ang itaboy siya. Hindi man umaangal si Jake he's tired in chasing you. Kaso kilala ko siya, hanggang hindi niya nakukuha ang matamis mong 'oo' hindi siya titigil. His a thrill seeker, believe me. Kilala ko na silang apat simula pa noong mga grade school kami. Kaya alam ko ang likaw ng bituka ng mga iyan. Lalo na si Jake, because Jake and I are inseparable. Kahit itanong mo pa kay Mommy Jessica, we're even sleeping in the same bed noon. Jake always insist na tabi kaming matulog kahit na siya na ang dumayo sa bahay namin makatabi niya lang akong matulog."kinuha nito ang baso ng wine nito at uminom doon.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now