Twenty

21K 572 33
                                    

Twenty

Jake...

Nagising siya na parang binabarena ang ulo niya sa sobrang sakit. Hindi na niya maalala kung anong oras na sila natapos ng inuman nila Sur. Samantalang dalawa lang naman silang uminom sa palagay niya madaling araw na sila tumigil.

Hirap pa siyang imulat ang mata niya, mahapdi pa ang mga iyon pero kailangan na niyang tumayo baka mapagalitan siya ni Carla kapag nalaman nitong hindi siya umabot sa kwarto nila. Kahit pa naman alam niyang pinayagan siya ni Carla hindi naman niya dapat samantalahin ito.

Nakunot ang noo niya ng mapansin na nasa loob naman pala siya ng kwarto ang buong akala niya nasa sala o sa mismong likod bahay sila nakatulog ni Sur.

Hinatid siguro ako ni Sur.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman na nasa kwarto naman pala siya. Umayos siya ng higa at kinapa sa tabi niya si Carla para yakapin. Ipinikit na din niya ulit ang mata niya para ituloy ang pagtulog.

Nang makapa niya ito, dahan dahan niyang hinapit ito palapit sa kanya para hindi ito magising sa pagkakatulog. Nang maglapat na ang kanilang katawan bigla naman siyang napadilat.

Inilibot niya ang mata niya sa kabuuan niya at kabuuan ni Carla.

Wala silang kahit na anong saplot.

Damn it, may nangyari samin ni Carla?

Kaysa matuwa siya kinabahan siyang bigla. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi pwede ito, baka magalit sa kanya si Carla. Kahapon lang pirmis at paulit ulit pa niyang sinabi dito na hindi niya ito gagalawin kahit na anong mangyari. Gagawin man nila iyon muli kapag kasal na sila o kaya naman kung payag si Carla.

Pero paano kung pinuwersa pala niya kagabi si Carla.

Natatakot siya nab aka magalit sa kanya si Carla kung nagkataon.

"Hmm, Jake naman inaantok pa ako"paungol na reklamo ni Carla.

"My loves"kinakabahan niyang tinatantya kung galit ito.

Nakatalikod kasi ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang reaksyon nito ngayon. Kung galit ba ito o hindi.

Inihanda niya ang katawan niya ng biglang gumalaw si Carla paharap sa kanya. Pero kaysa salubungin siya nito ng galit na mukha nakangiti ito sa kanya ngayon pero kita naman na nakapikit ito.

Hindi din niya inaasahan na yayakapin siya pabalik ni Carla ngayon. To think na they are naked as in totally naked and they at bed.

"Carla, my loves"bulong niya dito.

"Hmmm"ungol nito.

"Anong nangyari?"kinakabahan niyang tanong sa asawa.

Doon naman nagmulat si Carla ng mata kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagtitigan pa sila ng ilang minuto bago ito nagsalita.

"Hindi mo maalala?"balik tanong nito sa kanya.

Kinakabahan na naman siya habang dahan dahan na tumatango dito.

"Hmp, gusto mo paalala ko sayo?"mapang-akit na tanong na naman nito sa kanya.

Nanlalaki ang mata niya pero hindi naman siya basta basta pwede maniwala dito kasi naman ilang beses na ba siyang naganito ni Carla. Una noong kala niya hahalikan siya nito pero natuhuran siya, pangalawa noong isang gabi lang buti nalang hindi siya tinuhuran nito tinulak lang siya.

"Ayaw mo?"nakapout na tanong nitong muli sa kanya.

Shit I want to ravish those lips now.

"Carla I---"nanlaki lalo ang mata niya ng hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siya nitong sunggaban ng halik sa labi.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon