Seventeen

21.6K 452 25
                                    

Seventeen

Carla...

Nagising siyang parang may nakadagan sa kanya at hirap siyang makahinga. Pagmulat ng mga mata niya nakita niyang nakayakap pala sa kanya si Jake with matching dantay pa ng hita nito sa kanya kaya bigat na bigat siya ngayon.

Dahan dahan niyang inalis ang braso at hita nito sa kanya para hindi ito magising.

Dahan dahan din siya bumangon sa pagkakahiga, alam niya maaga pa para bumangon pero ayaw niyang mabungaran siya ni Jake ngayon na katabi nito.

Naalala niya kasi ang nangyari sa kanila kagabi, alam niya ang buong pangyayari. Napahilamos pa siya sa mukha niya ng maalala kung gaano kalakas siya kung makaungol at halinghing kagabi.

Nakakahiya.

Nang makatayo siya naramdaman niya ang sakit ng buo niyang katawan. Pakiramdam niya binugbog siya sa sobrang sakit ng katawan niya.

Naglakad siya papuntang banyo para maligo na. hirap na hirap siya sa pagkilos dahil na din sa sobrang sakit ng katawan niya, napapangiwi pa nga siya kapag nararamdaman niya ang kirot sa kanyang pagkababae.

Ganito pala kapag hindi na virgin...

Paglabas niya ng banyo natuon agad ang mata niya kay Jake na nakadapa ng matulog. Nakahubad pa ito, tanging kumot lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Expose na expose ang magandang likod ni Jake sa kanyang mata.

Isang mahabang butong hinanga ang pinakawalan niya bago siya lumabas ng kwarto.

Paglabas naman niya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, hanggang sa magawi siya sa kusina nila.

"Ipagluto ko kaya siya"kausap niya sa sarili niya.

Agad din naman siyang napailing ng maisip ang sinabi niya.

"Bakit ko siya ipagluluto? Ang galing naman niya, nakuha na nga niya ang gusto niya ipagluluto ko pa siya"para siyang sira na kinakausap ang sarili niya.

But ang ending nasa mini mart siya sa ibaba ng Condo at namimili ng pang-agahan nila. Hindi niya din alam kung bakit niya ito ginagawa basta ang alam niya nakapila na siya at hawak hawak na niya ang mga pinamili niya.

Pagbalik niya sa unit nila ni Jake, nakatulala lang naman siya sa mga pinamili niya.

Ano bang pumasok sa kukote niya at naisipan niyang magluto.

"Eh hindi naman ako marunong magluto"nanghihinayang niyang ibinagsak ang balikat niya.

Inilabas niya ang cellphone niya at dali-daling nagsearch sa youtube ng dapat gawin sa iluluto niya. habang pinapanood niya ito ginagaya naman niya. tingin nga niya kanina madalu lang ang lahat.

Pero nang nasa actual na siya, wala na nagkalat na siya.

"Aww"daing niya.

Kanina pa siya umiiyak dito, inaaway siya ng mantika. Kompleto na nga ang gamit niya, nakahanap siya ng malaking takip ng kaserola at mahabang sandok pero wala pa din inaabot pa din siya ng

"My loves"nagulat siya sa nagsalita kaya naman naibaba niya ang takip sabay ng pagtilamsik ng mantika papunta sa kanya.

"Aww"daing na naman niya.

Mabilis na nakalapit sa kanya si Jake, hinila siya nito palayo sa kalan at inatay nito ang apoy bago siya hinarap.

"What are you doing?"tanong nito.

Tinitingnan niya ang mga talamsik sa kanya ng mantika, namumula na ang balat niya ng dahil doon.

"Nagluluto ano pa ba?"nakairap na sagot niya.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon