Sixteen

20.4K 523 27
                                    

Sixteen

W A R N I N G

S P G

Jake...

He literally drain all his strength ng yakapin siya ni Carla.

Ngayon lang niya naramdaman na sobrang lakas na pala ang nailalabas niya mula sa katawan niya mula sa pangbubug-bog niya kay Oliver hanggang sa pagwawala niya dito sa loob ng kwarto nila ni Carla.

"No, his not worth it Jake...utang na loob maghunos- dili ka Jake."bulong sa kanya ni Carla.

Buntong hininga lang ang naisagot niya.

"Hindi ko siya mahal, tinakot niya lang ako kaya ako nandon. God know's how scared I'am 'nong hindi ka pa dumadating. Alam ko kung anong gagawin niya sakin, pero wala akong magawa"dagdag pa nito ng hindi siya nagsalita.

Napatiim bagang siya sa nalaman niya. Buong akala niya mahal pa din ni Carla ang ex nito kaya ito sumama sa hotel.

Gusto na niyang umalis doon ngayon at gantihan ang lalaking iyon.

Swear mapapatay niya ang lalaking iyon. Naiisip na nga niya ang mga gagawin niyang pagpapahirap sa lalaking iyon.

"Please Jake, ayokong mapahamak ka ng dahil lang kay Oliver"

Lahat ng naiisip niya biglang naglaho sa sinabi ni Carla. Ayaw siyang mapahamak nito, pinapahalagahan na siya nito.

Pumihit siya paharap kay Carla at sinapo ang mukha nito.

"I'm sorry, nadala ako ng galit. I'm sorry nasaktan kita"aniya.

Lalo siyang nakaramdam ng galit hindi para kay Oliver kundi sa sarili niya.

Paano niyang nasasabi na mahal niya si Carla gayong konting problema lang nasaktan niya ito. kitang kita niya ang sugat nito sa labi na siya ang may kagagawan. Niyakap niya ito ng makita ang pagtulo ng mga luha nito.

"Shhhh...I'll make him pay, ako ng bahala sa lalaking iyon. I promise hindi ako mapapahamak"bulong niya sa asawa.

Tiningala siya nito gusto niyang bumawi sa asawa sa lahat ng nagawa niya ngayon dito. Kaya naman hinalikan niya ito sa labi. Gusto niyang burahin ang malupit na karanasan nito sa kanya.

Buong pagmamahal niyang hinalikan ito. nadala naman siya sa masuyong halik na pinagsasaluhan nilang dalawa lalo pa ng tugunin din ni Carla ang halik niya.

Naalala pa niya ang pangakong ginawa niya sa mga magulang ni Carla. Pero iba ang hatid nito sa kanya ngayon. He want to finally own Carla na masasabi niyang hindi nalang kasal sila sa papel pero maging ang kanilang katawan ay mapag-iisa na nila ng tuluyan.

"I know may pangako ako sa magulang mo my loves, but I can't help it. I want to mark you mine. Hindi ako mapapanatag hangga't alam kong wala tayong koneksyong dalawa bukod sa apelyido ko. I love you so much Carla"bulong niyo kay Carla ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

Nakatitig lang ito sa kanya. Alam niya hindi pa siya mahal nito handa naman siyang maghintay kung tatanggi ito ngayon. Handa siyang itigil ang anumang balak niyang gawin ngayon. Sabihin lang nito agad para hangga't kaya pa niyang pigilan ang sarili niya.

Pero hindi mawala sa isipan niya ang lahat ng alam niya.

Na hindi siya ang nakauna sa asawa niya. Na may ibang lalaki pa din na nauna sa kanya na maaring ang karanasan nito sa lalaking nakauna dito ang naiisip nito ngayon. Oo nga't tanggap niya ang nakaraan nito pero iba pa din kung may assurance siya na siya na ngayon ang lalaki sa buhay nito.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon