Three

25.5K 597 31
                                    

Three

Carla...

Hindi niya alam kung paanong iwas ang gagawin niya ngayon kay Jake.

Ang tuso talaga, pinakitaan nga siya ng putting uwak at itim na tagak. Kaso mga video nalang at mga reseach na ang nagpaliwanag ay ang secretary pa nito para naman daw maniwala siya.

Natameme nalang siya, mula kahapon hanggang ngayon hindi siya lumalabas sa boarding house nila. Nagtataka na nga si Kyla bakit daw hindi siya lumalabas at pumapasok. Ang sabi nalang niya masakit ang puson niya o kaya naman ulo niya.

"Girl ung cellphone mo kanina pa ring ng ring"puna ni Kyla sa cellphone niya.

Kasalukuyan na gumagayak ngayon ang kaibigan niya para pumasok. Siya naman ay nakahiga at wala na namang balak na pumasok.

"Hayaan mo si Jake lang naman ang tumatawag"pangbabalewala niya sa tumatawag.

"Number lang, girl"sabi pa ni Kyla.

Nagtataka namang na tiningnan niya ang tumatawag, unregistered number nga ang tumatawag sa kanya, kaya naman sinagot na niya.

"Hello"

"My loves naman, ang daya mo talaga. Kailangan ko pang magpalit ng number para sagutin mo ang tawag ko"reklamo agad ang bungad sa kanya ni Jake.

Napahampas siya sa noo niya ng marinig niya ang boses nito.

"Tigilan mo na nga ako Jake"inis niyang sagot.

"Ohh!!! Hindi pwede...girlfriend na kita mula pa kahapon."pamimilit nito.

"Ewan ko sayo"at pinagpatayan ito ng cellphone.

Literal na pinatay niya ang cellphone niya with matching alis pa ng battery ang ginawa niya.

"Girl pasok na ako hindi ka talaga papasok?"nag-aalalang paalam sa kanya ni Kyla.

"Hindi bakla, sumasakit ang ulo ko"sagot nalang niya at nahiga na sa kama niya.

Nagtalokbong nalang siya ng kumot para hindi na siya kulitin din ni Kyla.

Ang laki ng problema niya ngayon. Nagkaboyfriend siya ng isang playboy.

Iniiwasan na nga niya ang playboy, sa playboy pa din siya bumagsak.

Papuntang dream land na ang drama niya ng maramdaman niyang parang bumukas ang pintuan ng kwarto nila. Hindi nalang niya pinansin ang pumasok kasi si Kyla lang naman iyon baka may nakalimutan kaya bumalik.

Pero nawala lahat ng antok niya sa katawan ng bigla nalang itong nahiga sa tabi niya at niyakap siya. Plus naamoy pa niya ang pabango nitong lalaking-lalaki ang dating.

"My Loves, may sakit ka naman pala kaya hindi kita nakikita. Nag-alala tuloy ako"lambing ni Jake sa kanya.

Napabalikwas naman siya ng bangon ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok dito? Sinong nagpapasok sayo? Alam mo bang bawal ang lalaki sa loob ng kwarto namin?"sunod sunod niyang tanong sa binata.

Bigla siyang kinabahan, baka makarating sa mga magulang niya na nagpapasok siya ng lalaki sa loob ng kwarto nila, lagot siya nito kung nagkataon.

"Nagpaalam ako sa parents mo, sabi ko may sakit ka kaya titingnan kita kung kamusta ka na. kaya tumawag na sila sa landlady mo"para namang nabasa nito ang iniisip niya.

"Anong sinabi mo?"gulat niyang tanong dito.

Bumangon na din ito sa pagkakahiga sa kama niya at tinabihan siyang nakaupo. Agad namang pinulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang. Idinantay pa nito ang baba nito sa kanyang balikat.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now