Eleven

20.2K 461 6
                                    

Eleven

Carla...

Hanggang ngayon nakatitig pa din siya sa kapirasong papel na nagsasabi ng katangahang nagawa niya kagabi.

"My loves"pabulong na tawag sa kanya ni Jake.

Nasa biyahe na sila papunta sa bahay nila para kausapin ang mga magulang niya. gusto niyang kumpirmahin ang lahat sa mga magulang niya. hindi sa hindi siya naniniwala kay Jake, kaso hindi talaga niya maiwasan na hindi paniwalaan lahat.

"Pwede ba Jake, magdrive ka nalang"gigil niyang sagot dito.

Narining niya ang malalim na buntong hininga nito.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makarating sila bahay nila. Wala na doon ang papa niya nasa shop na ito dahil tanghali na, pero sapat na ang mama niya para malaman ang lahat.

"Nahimasmasan ka na?"tanong ng mama niya pagdating na pagdating palang nila.

Nahihiyang tumango lang siya sa ina. Kahit anong pilit kasi sa utak niya para maalala ang lahat ng nangyari kagabi wala talaga siyang maalala.

"Ma, nasaan po si Papa?"tanong ni Jake sa mama niya.

Napataas naman ang kilay niya sa feeling close nito sa magulang niya.

"Nasa shop na pero pauwi na iyon at tanghalian na kasi"sagot naman ng mama niya.

Hindi siya makaimik, nahihiya kasi siya sa mga pinaggagawa niya kagabi.

"Sunduin ko na po si Papa"prisinta pa ni Jake.

Hindi na ito sinagot pa ng mama niya, hinayaan na nito ang binata kung ano ang gusto nito gawin.

Teka hindi na siya binata Carla, asawa mo na kaya siya.

"Kamusta naman ang unang gabi mo bilang may asawa 'nak?"nanlaki ang mata niya sa tanong na iyon ng ina niya.

"Mama!"aniya na ramdam na ramdam niyang namumula ang mukha niya sa hiya.

"Naku, ngayon ka pa nahiya. Kagabi nga kung makaligkis ka sa asawa moa yaw mo ng pakawalan pa"pangtutuya sa kanya ng ina.

"Sayang hindi ko nakita ate"segunda pa ng kapatid niya.

Mahinang binatukan niya ang kapatid niya.

"Ikaw CJ ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wag kang sasabad sa usapan ng mga matatanda"sermon niya dito.

"So matanda ka na ate"sikmat sa kanya nito.

Nanlalaki ang mga mata niya kasama ang mga butas ng ilong niya na binalingan ang kapatid niyang hindi niya alam kung kapatid ba niya talaga.

Akmang pipingutin na niya ito ng bigla itong tumakbo palayo sa kanya. kahit kailan talaga hindi niya makasundo ang kapatid niyang ito. siguro kasi ang laki ng agwat nilang dalawa. Thirteen years ang agwat nilag dalawa. mag-19 na siya samantalang ito naman ay mag-6 years old na.

"Mama, oh si ate nagbe-beast mode na naman"sumbong pa ng kapatid niya sa mama nila.

"Cj anak, tama naman ang ate. Doon ka na muna sa kwarto mo"taboy ng mama niya dito.

Nakasimangot naman itong nagkamot pa sa ulo habang naglalakad papasok sa kwarto nito.

"Dapat sumama nalang ako kay Kuya Jake. Nakasakay pa ako sa astig niyang sasakyan"nakasimangot na turan nito habang naglalakad.

Hanggang sa makaalis ang kapatid niya hindi na siya umimik pa, hinihintay niyang kusang magkwento ang mama niya kasi naman nahihiya talaga siya.

"Anak, mabait ang napangasawa mo. Dapat ka ng magtiwala ulit sa mga lalaki. Lalo na sa asawa mo"pangaral ng mama niya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now