Seven

19.8K 443 22
                                    

Seven

Carla...

"Babes"

Kinikilig naman siyang nilingon ang lalaking tumawag sa kanya ng 'babes'. Nakangiting sinalubong niya si Oliver. Ang kanyang pinakamamahal na boyfriend, ang first love niya, ang first kiss, at ang lalaking pag-aalayan niya ng lahat sa kanya.

Alam niyang bata pa siya para sa mga ganitong bagay. She's only 15 years old for pete's sake. Pero anong magagawa niya she's madly deeply inlove with Oliver.

"Babes"tawag din niya dito.

Its their first monthsarry being together, and they are planning to celebrate it today. Hindi nga sila pumasok sa school ngayong araw.

For her, malaking honor na siya ang niligawan at ngayon nga ay girlfriend ni Oliver.

Oliver is so famous in their school, varsity player ng basketball team. Heartthrob, super gwapo, macho kahit pa bata pa lang sila. Oliver is in his senior years, while she was in junior.

Lahat yata sa school nila may crush sa boyfriend niya, well taas noo niyang pinagmamalaki na siya ang girlfriend, although sila palang ni Oliver ang nakakaalam sa buong school nila. Hindi kasi siya pinayagan ni Oliver na ipagkalat na maggirlfriend boyfriend sila. Ang dahilan nito para daw hindi siya mabully sa school nila kapag nalaman ng magjowa sila.

And she find it so thoughtful on her boyfriend.

Feeling niyang isa siyang prensesa na inaalagaan ng prinsipe niya.

"Kanina ka pa?"tanong sa kanya nito.

"Hindi naman"pagpapacute niya.

Pero ang totoo mag-iisang oras na siyang naghihintay sa tagpuan nilang dalawa. sanay naman na siya na naghihintay, madalas kasi talaga na siya ang naghihintay. Naiintindihan naman niya kasi ang nobyo niya busy ito at hindi sila parehas ng schedule.

"Ano tara na"masayang aya sa kanya nito.

Nakangiting tumango naman siya.

May usapan silang manunood ng sine ngayon, after noon kakain sila sa labas at uuwi sila sa bahay ng binata. Wala daw ang mga parents nito kaya pwede sila doon ngayon.

She promises Oliver to give her full trust to him today. Meaning to say ibibigay na niya ang bataan sa nobyo niya. excited na nga siya, kasi sabi nito kung totoo dawn a mahal niya ito ibibigay niya iyon sa nobyo.

At dahil mahal niya ito ng sobra, handa niyang ibigay ito sa nobyo niya ng walang pag-aalinlangan. Para na din hindi pa mag-isip ng kung ano ang nobyo niya. isa pa sabi din kasi nito kapag may nangyari na sakanila iaannounce na daw nito sa lahat na girlfriend siya nito.

Kinikilig naman siya sa isipin na ipagkakalat na nito sa buong campus nila na sila na.

"Babe, dito ka lang ha bibili lang ako ng makakain natin"paalam sa kanya ng nobyo niya.

Nakangiti lang siyang tumango sa nobyo niya bilang sagot.

Hinintay niya ito hanggang sa magsimula na ang palabas sa sinehan. Nakakalahati na niya ang pelikula pero hindi pa din bumabalik ang nobyo niya. hindi na nga niya naintindihan ang pinapanood niya kasi naman panay ang lingon niya sa likod.

"Asan na kaya iyon?"takang tanong niya sa sarili niya.

Nang hindi na niya natiis, tumayo na siya. Binilin pa niya sa katabi ang upuan nila ni Oliver na babalik sila at hahanapin lang niya ang nobyo.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now