Thirteen

19.2K 472 20
                                    

Thirteen

Carla...

Nagtataka siya ng umuwi siya sa condo nila ni Jake, wala doon ang asawa niya. Ang alam niya dapat nasa bahay na ito ngayon dahil tapos na ang office hour nito. hindi naman siya binuliglig nito sa bahay ng mga magulang niya kaya naman ang alam niya nasa bahay na ito.

Kaya nagtataka siya kung bakit wala sa unit nito si Jake.

Kung kailan naman naisipan niyang uwian dito ang lalaki bigla naman wala naman pala ito doon. Kaya naman ang ginawa niya kinuha nalang niya si Lucy at nagpasyang umuwi nalang sa mga magulang niya.

Tinext niya din si Jake na kinuha niya ang aso nila pero hindi man lang siya nito nireplyan.

Hanggang sa makarating siya sa bahay nila hindi siya nirereplyan ni Jake. Kaya naman nagpasya siyang hanapin si Jake.

Isa lang naman ang lugar na alam niyang pupuntahan nito kapag hindi niya ito kasama sa bar ng kaibigan nitong si Benjamin. Malamang nandoon ito ngayon kasama ang mga kaibigan nito.

"Ano k aba Carla, para kang timang. Kapag kasama mo tinataboy mo ngayon hindi ka pinansin hinahanap mo"para siyang nasisiraan na kausap niya sa sarili niya.

Nang makapagbihis na siya nagpaalam na siya sa mga magulang niya. ibinilin na din niya sa mama niya ang aso nila ni Jake.

"Gabi, hintayin mo nalang dito ang asawa mo"nag-aalalang sabi pa ng mama niya.

"Ma, kaya ko na po. Alam ko naman po kung nasaan si Jake"pagbibigay niya ng assurance sa ina.

"Paano kapag naulit iyong nangyari noon sayo?"hindi maalis ang pag-aalala nito sa kanya.

"Hindi nap o mama, kasi hindi naman ako iinum susunduin ko lang si Jake"sabi pa niya sa ina.

Maging ang papa niya ay pinagbabawalan na siyang lumabas pero ewan ba niya bakit parang may nagtutulak talaga sa kanya na hanapin ngayon si Jake. Samantalang hindi naman niya ugali ito sa asawa, wala nga siyang pakialam noon kahit ano pa gawin nito. pero iba ang gabi na iyon.

Hinatid pa siya ng papa niya sa Bar ni Benjamin ng hindi siya nagpapigil dito.

"Kapag wala doon ang asawa mo, lumabas ka kaagad. Maghihintay ako dito ng isang oras"bilin sa kanya ng ama.

"Papa, kaya ko na po, sige na mauna nap o kayo para makapagpahinga ka na din po"magiliw niyang sagot sa ama.

"Hindi, mas makakampante ako kapag alam kong may kasama ka. At kung wala dyan ang asawa mo mabuti pang umuwi na tayo"pamimilit ng ama.

Kaya naman pinagbigyan na niya ito, nagpaalam na siyang papasok na sa loob para hanapin ang asawa.

Naku ka Jake, wag lang kitang makikitang gumaya sa mga kaibigan malilintikan ka sakin. Papalitan ko ulit apilyedo ng Cruz kahit di ko pa nagagamit ang apilyedo mong Miller.

Kilala naman na siya sa Bar na iyon kaya walang kahirap hirap na nakapasok siya sa Bar na iyon.

Pagpasok pa lang niya sinalubong na siya ng madilim, maingay, usok at amoy alak. May kasama pang pinaghalo-halong amoy ng mga tao, nagsisimula na din siyang madala sa malaks na tugtugin sa loob.

Nahihilig din kasi siya sa night life na tinatawag, siguro dahil na din kay Jake. Madalas kasi siya sinasama nito sa mga ganitong lugar.

Inilibot niya agad ang paningin niya para tiningnan kung nandoon si Jake bago siya magtungo sa VIP room.

Hanggang sa magawi ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nag-uumpukan sa isa sa mga table doon.

Doon kitang kita niya ang mga magkakaibigan na mukhang nagkakasayahan na sa pag-inom.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon