Twenty-one

22K 492 9
                                    

Twenty-one

Carla...

Hindi naman buong hapon nagstay sila sa loob ng kwarto, natulog lang sila ng kaunti. Nang pumatak ang alas-tres ng hapon lumabas din sila ng kwarto ni Jake at nagpunta sila sa mga lugar na hindi nila napuntahan kahapon.

"My loves, saan mo gustong magbakasyon after ng graduation mo?"tanong sa kanya nito.

Nakaupo lang sila sa isang park at hinihintay ang paglubog ng araw.

Nakasandal siya sa dibdib nito na nakaupo siya sa pagitan ng mga binti ni Jake samantalang nakayakap naman ito sa kanya at nakadantay ang baba nito sa balikat niya.

Ang sweet nilang tingnan kung tutuusin.

"Hmmm, kahit saan. Matagal pa naman one year pa"aniya.

"What if sa Paris?"Excited na suggestion nito.

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Bakit doon ang layo kaya non?"sagot naman niya.

Kinuha ni Jake ang kamay niya at nilaru-laro iyon.

"Doon kasi magandang magpunta ang mga kagaya niyong fashion designer. Narinig k okay Mommy pangarap mong pumunta don. So gusto mo bang pumunta don?"tanong nito sa kanya.

Speechless na naman siya sa sinabi nito. Bakit ba ang hilig nitong gelatin siya leaving her speechless talaga.

"Mahal magpunta don"nasabi nalang niya.

Tumawa naman ito ng mahina, na nagdulot ng kiliti sa puso niya.

Ang sexy niya talagang tumawa, kainis.

"I'm working so hard para sa kinabukan natin. Kaya kitang dalin don kahit ngayon sabihin mo lang, Carla dadalin kita don"sagot nito sa kanya.

Nalukot naman ang ilong niya sa pagsimangot niya sa pagyayabang nito.

"Yabang"bulong niya na nagpatawa pa dito.

Patuloy ito sa paglalaro sa kamay niya hanggang sa may naramdaman siyang malamig na bagay na inilagay nito sa daliri niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang singsing na inilagay nito doon.

"Perfect"bulong nito.

Pinagtapat nito ang mga kamay nila at napansin din niyang may suot na singsing si Jake na kapareha ng isinuot nito sa kanya.

"Pinasadya ko iyan sa Paris, dapat sa kasal natin ito gagamitin but since we're already married why not used it"paliwanag nito.

Sakto pa sa sunset nito inilagay sa kamay niya ang singsing. Very romantic para lang siyang nagpropose sa kanya kaso lang nauna na ang kasal.

"How did you know na violet ang favorite color ko?"takang tanong niya ng mapansin ang kulay ng mga bato na nakalibot doon.

"Ako pa, I my way to know everything about you"kampanteng sagot nito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon