Thirty-two

19.9K 520 29
                                    

Thirty-two

Carla...

Sa halos isang taon na pagtatrabaho niya sa Paris kasama nila Kyla at Issay, isinubsob lang niya ang sarili niya sa trabaho. Lahat ng koneksyon niya sa Pilipinas, pinutol niya iyon lahat. Hindi niya nakakausap ang mga magulang niya. Pero may balita siya sa mga ito, gumawa kasi siya ng dummy account niya sa facebook.

Doon siya nakakabalita sa pamilya niya. kinaibigan niya doon ang kapatid niya na hindi man lang naghinala sa pagiging matanong niya dito.

"Bru, walang schedule bukas"tawag sa kanya ni Issay.

Kakatapos lang ng photoshoot nito ngayon, pero may kasunod pa itong rehersal para sa runway nito sa susunod na buwan. Kung nasaan kasi ito nandoon sila ni Kyla, siya ang personal make-up artist nito at hair dresser na din si Kyla naman ang stylist nito.

"Yap, wala nga"sagot niya sabay balik ng mata niya sa cellphone niya.

May binabasa siyang article ngayon tungkol kay Jake. may bagong negosyo ang asawa niya na binuksan at iyon ang laman ng mga business magazine ngayon sa pilipinas.

"Anong gagawin mo bukas girl?"masayang tanong sa kanya ni Kyla.

Nakabalik na sa dati ang pagkakaibigan nila ni Kyla. Parang walang nangyaring walang pansinan sa pagitan nila noong nakaraang taon. Okay na silang dalawa, naintindihan naman niya si Kyla kaya wala na sa kanya ang ginawa nitong pag-iwas sa kanya.

"Maghahanap ako ng pwesto"sagot nalang niya.

Unti-unti nararating na niya ang pangarap niya. magsisimula na siya ng negosyo niya sa dito sa Paris. Maliit na boutique ang itatayo niya, pero syempre hindi biro ang kailangan niyang halaga. Bagay na tinulungan siya ng mga kaibigan niya kaya kaya na niyang magawa ang pangarap niya.

"Sama ako"excited turan ni Kyla.

"Ako din"segunda pa ni Issay.

"Sige, pero baks pano mga anak mo"masayang sagot niya.

"Oo nga pala"bigla naman itong napasimangot.

"Kami nalang ni Carla ang bahala bukas, girl sasabihan ka namin agad kapag may nakita na kami na stall"ani Kyla.

Lahat ng naipon niya sa halos isang taon niyang pagtatrabaho sa kaibigan niya sa negosyo niya lahat dadalin. Kaya lahat ng makakaya niya ibibigay niya sa negosyong ito.

"Anong ipapangalan mo sa boutique bru?"tanong sa kanya ni Issay.

"CCM clothing"sagot niya.

Muli niyang tiningnan ang article na binabasa.

Unti-unti ko ng nararating ang goal ko. Ikaw din ang laki na ng improvement mo. Kausap niya sa litrato ni Jake sa article na iyon.

...................

"Congrats bru"bati sa kanya ni Issay.

Kakatapos lang isang successful fashion show ng mga creation nila ni Kyla. Ito ang unang fashion show nilang magkakaibigan simula ng maitayo nila ang CCM clothing.

"Oh bakit nakasimangot ka naman"tanong sa kanya ni Kyla.

Hindi siya nakasimangot actually, masaya siya kasi isa isa ng natutupad ang pangarap nia. Though hindi pa naman siyang kilalang-kilala sa fashion world atleast nakapag-establish na siya ng pangalan doon.

May mga suki na din sila sa boutique. Na kahit hindi siya madalas doon nakikita niyang nagiging kilala na ang CCM clothing sa Paris. May mga Pilipino na din na dumadayo pa sa Paris para lang makabili ng mga gawa nila ng kaibigan niya.

My Secret One (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum