Forty-three

24.6K 513 5
                                    

Forty-three

Carla...

Nakakahinga na siya ng maluwag ngayon nasabi na niya ang lahat. Ang isa na lang na kailangan niyang malampasan ay kung anong naging reaction ni Jake sa lahat ng confession niya.

Kanina pa tapos ang interview niya pero hindi pa siya nakakaalis sa dressing room kung saan siya inayusan kanina.

Iniisip kasi niya, saan kaya siya pupunta.

Pupuntahan ba niya si Jake, para alamin ang naging reaction nito at alamin din kung anon a ang mangyayari sa kanilang dalawa o magpapalipas muna siya ng oras.

Hay bahala na nga...

Kumilos na siya para lumabas ng TV network na iyon. Bahala na kung saan siya dadalin ng paa niya, iyon ang naisip niya.

Habang naglalakad siya palabas ng TV network, binabati siya ng mga taong nakakasalubong niya. simpleng ngiti lang naman ang naisasagot niya sa mga ito.

Nakayuko siya habang bumababa sa hagdan ng main entrance ng building ng marinig niya ang tilian ng mga tao sa paligid niya. naisip niya may dumating sigurong sikat na artista kaya nagkakagulo ang mga tao sa paligid niya.

Pinagpatuloy niya ang pagbaba na hindi tumitingin sa harapan niya, pirmis lang nakatuon ang mata niya sa mga paa niya habang naglalakad.

"My love"she literally froze hearing that voice.

Hindi pa siya nagha- hallucinate sa naririnig niya.

"Tingnan mo naman ako my love"muli niyang narinig ang boses Jake.

Kaya naman nag-angat na siya ng tingin, ayon nga nakita niya ang pinamamahal niyang lalaki. nakatayo sa pinakahuling baiting ng hagdan sa tapat niya. titig na titig sa kanya ang napakagandang mata nito, para bang lulusawin siya nito sa pamamagitan ng tingin.

"ang bilis mo yata"puna nalang niya.

"I cant wait to see"sagot nito.

Nagsimula na itong lumapit sa kanya na dahan dahang naglalakad paakyat sa hagdan. Kaya naman sinalubong na niya ito, hanggang sa magtagpo sila sa pinakagitna.

"I'm sorry"sabay niyang usal ng magkatapat na sila.

"You first"sabay na naman nilang usal makalipas ang ilang segundo.

Nagkakahiyaan pa silang dalawa kung sino ang unang magsasalita sa kanila.

"I've heard everything you say My Love. And I'm very sorry kasi wala ako sa tabi mo ng mga panahon na kailangan mo ako"simula ni Jake.

"No, I'm the one shoud saying sorry. Ako ang umalis, ako ang lumayo."nasagot naman niya.

"Hindi, ako ang dahilan mo kaya ka umalis. So I'm the one whos should say sorry"pamimilit na naman ni Jake.

Kung kanina feeling niya, natatakot siya ngayon naiinis na siya kay Jake, ang kulit kasi.

"Ako"aniya.

Umiling pa si Jake, bago sapuhin ang mukha niya at pinakatitigan ang mukha niya.

"Okay, tayong dalawa"anito bago siya halikan sa labi niya.

Napapikit naman siya sa paraan ng paghalik sa kanya ni Jake. lahat ng agam-agam niya naglaho na parang bula.

Naitulak lang niya si Jake ng makarinig siya ng palakpakan at hiyawan. Doon lang niya narealize na nasa public place pala ni Jake. para silang artistang nagso-shooting ng pelikula kung pagkumpulan ng mga tao.

Hindi lang mga ordenaryong tayo ang nanonood sa kanila. May mga artista na din na kinikilig na nakatingin sa kanila.

Nahihiyang sumiksik siya sa dibdib ni Jake.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now