Thirty-seven

18.2K 450 4
                                    

Thirty-seven

Carla...

Maaga siyang umalis sa bahay ng mga magulang niya, nagulat pa nga siya na nasa tabi niya si Jake paggising niya ng umaga. Hindi na niya namalayan na dumating pala ito kagabi. Hindi na siya nito ginising pa, ganon din ang ginawa niya paggising niya.

Umalis siya ng walang paalam sa asawa at mga magulang niya.

May photoshoot ngayon si Issay kaya kailangan na maaga siyang nasa hotel nito.

Pagdating nga niya wala pa si Kyla doon, pero hindi naman sila naghintay ng matagal dahil dumating din naman agad si Kyla.

Tahimik lang siya sa buong biyahe nila, actually silang tatlo tahimik lang. tangin ang mga bata lang ang maingay ng mga oras na iyon.

Para bang may kanya-kanya silang mundong tatlo.

Siya iniisip ang nalaman niya kagabi, sa pagitan nila Jake at Stella.

Mababaliw na yata siya sa kakaisip ng nalaman niya, paanong nagawa ni Jake sa kanya ito. inaasahan niyang hindi magloloko si Jake.

Ano pa bang aasahan mo, apat na taon kang wala alangan naman na hintayin ka niya.

"Anong theme?"tanong niya kay Kyla.

Kahit naman may iniisip siyang problema kailangan niyang maging professional. Hindi niya dadalin ang problema sa trabaho niya, nakakahiya kay Issay dahil pinagkatiwalaan siya nito.

"Fairy tale yata"sagot ni Kyla sa kanya.

Hawak na nito ang isusuot ni Issay.

"Bakla, ready ka na?"baling niya kay Issay.

Pero hindi siya pinansin ng kaibigan niya, tulala lang ito. hindi man lang ito nakikinig sa kanya.

"Issay"tawag ni Kyla dito.

Pero maging ito hindi pinansin ni Issay. Kanina pa ito tulala at tahimik mula sa hotel hanggang dito. Ano naman kaya ang problema ng kaibigan niyang ito, ngayon nalang ito kasi naging tahimik.

"Hoy!!!!"tawag niya kay Issay.

Para pang nagulat ito sa pagtawag niya.

"Kanina pa kami dito bakla, kanina pa din kami salita ng salita dito"pagtataray niya sa kaibigan.

"Ang taray mo naman, naglilihi ka ba?"biro naman nito sa kanya.

Para naman siyang nasilihan sa biro ng kaibigan niya, hindi naman siguro siya buntis kasi kakatapos lang naman ng monthly period niya bago may nangyari sa kanila ni Jake. ang alam niyang buntis ay si Stella.

Naalala naman niya bigla ang anak niya.

"Wag ka ngang magsalita ganyan Luisa"pagalit na saway niya sa kaibigan.

Alam na nito nag alit siya kasi tinawag niya na ito sa totoo nitong pangalan. Bihira lang naman na mangyari iyon kasi alam niyang malabong magkagalit sila. Tinatawag lang niya sa buong pangalan ang mga kaibigan kapag naasar lang siya.

Nagwalk out siya maaga pa naman may ilang minuto pa naman siya para magpahangin.

Nangingilid na naman kasi ang luha niya. ayaw naman niyang malaman ng mga kaibigan niya ang pinagdadaanan siya. Alam kasi niyang mabigat din ang mga problema ng mga ito ngayon kaya kailangan may isa sa kanila na malakas at matatag.

Di bale ng solohin niya ang problema, sanay naman na siya isa pa walang ibang nakakaalam ng sitwasyon nila ni Jake kundi silang dalawa lang.

.......................

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon