Forty-two

25.2K 554 14
                                    

Forty-two

Jake...

Nitong mga nakaraang araw nagtataka na siya sa palaging nagiging busy ang misis niya sa kung anong bagay. Lagi lang naman nitong sinasagot na busy ito sa CCM Clothing kasi nasa transition ito ng paglipat sa Pilipinas.

Sinabi naman na niya sa asawa na hindi na nito kailangan pa ang negosyo nito, kasi kaya naman niya itong buhayin. Ang sagot lang nito ireregalo nalang daw nito sa mama niya at sa mama nito ang boutique.

Uuwi na din kasi ang mama niya sa Pilipinas, kaya naman naisipan na din ni Carla na ilipat sa Pilipinas ang CCM Clothing para sa mga ina nilang mag-asawa. Na ikinatuwa naman niya, kasi hindi lang ang biyanan niya ang inisip nito maging ang mommy niya naisip nito.

"My love"tawag niya kay Carla.

Kakagising lang kasi niya, pagmulat ng mata niya wala na sa tabi niya ang asawa na hindi naman nito Gawain kapag magkatabi silang dalawa sa pagtulog.

Naikot na niya ang buong bahay nila pero hindi niya makita ang asawa niya, kaya naman nagpasya na siyang gumayak at hanapin ang asawa niya. linggo ngayon baka nasa mga in-laws niya lang ito hindi na siya nahintay na gumising.

Nitong mga nakaraang buwan tanghali na kasi siya kung magising. Laging napapasarap ang tulog niya, hindi naman siya ginigising ni Carla.

"Kuya Jake"bungad ni Cj sa kanya ng pagdating niya sa bahay ng mga ito.

"Ate mo?"tanong niya sa bata.

"Wala naman po dito"sagot nito.

"Sure ka, hindi siya nagpunta dito mula kaninang umaga?"takang tanong niya.

"Oo, kuya hindi ko pa nakita si Ate simula kaninang umaga"sagot naman nito sa kanya na may pagtataka na din.

Napabuntong hininga naman siya bago siya nagpaalam, hindi na siya nag-abala pang pumasok sa loob. Madali lang sana niyang makikita si Carla kung hindi nito dine-activate iyong tracking na nilagay niya sa cellphone nito. napikon na kasi si Carla sa pagsunod-sunod niya dito.

Magagawa niya, natatakot lang siyang baka takasan na naman siya ni Carla.

Hindi niya matawag ang cellphone ni Carla.

Kinabahan na naman siya, saan na naman kaya nagsuot ang asawa niya. ang hilig nitong magpa-suspense. Hindi malayong mangyari na magkasakit siya sa puso baling-araw sa pinag-gagagawa ni Carla sa kanya.

"Hello Kyla, I'm just wondering kung alam mo kung nasaan si Carla?"lakas loob na niyang tinawagan si Kyla.

Umabot na kasi ng tanghalian hindi pa niya nahahanap si Carla kaya naisipan na niyang tawagan ang asawa ng kaibigan niya.

"Yes, punt aka dito sa bahay Dalian mo lang ha. Dapat within twenty minutes nandito ka na"sagot nito.

Hindi na siya hinintay na sagumagot pa agad siya nitong pinagbabaan ng tawag. Napailing nalang siya, inintindi nalang niya buntis kasi.

Nagmamadali naman siyang nagpunta sa bahay ng kaibigan niyang si Marco. Buti nalang hindi pa siya nakakalayo masyado, wala din traffic kaya nakarating siya within twenty minutes na sinabi ni Kyla.

Pero laking gulat niya na wala naman pala doon si Carla.

"Maupo ka lang muna dyan and relax"utos sa kanya ni Kyla pagdating niya sa sala ng mga ito.

Lalo yatang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya sa pagiging kalma ni Kyla.

Kulang nalang magdikit ang kilay niya ng ipaghanda pa siya ng meryenda nito at buksan nito ang TV. Doon naman bumaba si Marco mula sa itaas na nakapambahay lang at naupo sa tabi niya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now