Twenty-Three

20K 504 26
                                    

Twenty-three

Carla...

Hindi siya makatingin sa mga mata ni Jake habang nakatitig ito sa kanya.

Nakakahiya ang daming pwedeng tagpo ang makita siya nito bakit pa iyong inaamoy niya ang damit nito. sobrang nakakahiya talaga, kilala pa naman niyang alaskador si Jake, kaya alam niya bumubwelo lang ito ngayon.

"My loves"tawag sa kanya nito.

"Si Ate mukhang tanga kuya Jake"susug pa ng kapatid niya.

Sinamaan niya ng tingin si CJ ng sabihin nito iyon. Kainis itong bata na ito siya ang kapatid pero siya pala ang binubully.

"Pwede ba CJ, paanong mukhan tanga inaamoy ko lang kung madumi ang damit na ito o hindi"palusot niya.

Pero alam niyang hindi iyon lulusot sa pandinig ni Jake.

"Pero kasi my loves, di ba nga ikaw nagturo sakin na ilagay sa laundry basket iyong maruruming dami. Di ba laundry basket natin iyan"turo pa ni Jake sa basket sa paanan niya.

"Malay ko ba"padanog niyang binitawan ang damit ni Jake sabay kuha ng basket at lumabas ng banyo.

Narinig niyang nagtawanan ang dalawa ng makalabas siya ng banyo. Nagmamaktol naman siyang lumabas ng kwarto nila ni Jake.

Nagngingit ngit na pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang pagliligpit ng bahay, hindi niya pinapansin ang mga kasama niya.

"My loves dito ka ba matutulog"lambing sa kanya ni Jake.

Naupo muna siya sa sala para magpahinga, sinundan siya ng kapatid at asawa doon.

"Hindi, kita mong kasama ko si Cj"nakairap niyang sagot.

"Pwede namang dito na din matulog si Cj, sa kwarto siya matulog tayo dito sa sala"bulong nito.

"Hindi nga ang kulit."ganting bulong niya dito.

Magsasalita pa sana ito ng biglang may nagdoor bell.

Naalala niyang tinawagan nga pala niya ang papa niya kanina na sunduin si Cj kanina at hindi niya na nabawi ito. baka ang papa na niya ito at sinusundo na si Cj.

Si Jake ang tumayo para tingnan kung sino ang taong nagdoorbell.

"Papa"gulat na tawag ni Jake sa ama niya.

Hindi nga siya nagkamali, ang ama nga nila ang dumating.

"Oh Jake, nandito ka na pala"bati naman ng ama niya.

Nagman hug pa ang dalawa bago pinapasok ni Jake ang ama nila sa loob ng unit.

"Sinusundo niyo na po sila Carla?"tanong agad ni Jake sa ama kahit na hindi pa nakakaupo ang ama nila.

"Oo, pero si Cj lang ang susunduin ko"sagot ng ama niya.

Napalip bite pa siya ng lingunin siya ni Jake na may nakakalokong ngiti sa labi nito. kaya naman umiwas siya ng tingin dito.

"Ah ganon po ba Pa, meryenda po muna tayo Pa."aya naman ni Jake sa ama.

"Hindi na nasa baba kasi ang mama niyo, susunduin ko lang talaga si Cj dito"sagot ng ama.

Hindi na nagtagal ang ama niya sa loob ng unit, isinama na nito ang kapatid niya kaya naman naiwan silang dalawa ni Jake sa loob ng unit.

Makailang ulit siyang napalunok ng silang dalawa nalang doon.

"Ikaw ha my love pakipot ka na naman."baling sa kanya ni Jake ng maisara na nito ang pinto.

"Tumingil ka, maglilinis lang ako kaya pinauna ko na si Cj. Uuwi din ako mamaya"pagsisinungaling niya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now