Six

20K 462 13
                                    

Six

Jake...

Smooth naman ang naging takbo ng relasyon nila ni Carla.

Nakahanap kasi siya ng pangblack mail sa dalaga.

Buti nalang talaga at kagaya niya dog lover din si Carla, panakot niya palagi kay Carla si Lucy na hindi na nito makikita ang aso nila.

Inaangkin na kasi ni Carla si Lucy, kaya aso na nilang dalawa iyon.

Mahirap sa umpisa ang relasyon nila, hindi normal.

Ikaw ba naman kasi, girlfriend mo ngang naturingan pero hindi mo mahawakan. Kapag may kasama silang iba kailangan na mukha lang siyang nangungulit na manliligaw. Panay pa ang bara sa kanya ni Carla kaya naman wala talagang nakakahalata na magboyfriend-girlfriend silang dalawa.

Kapag sila lang dalawa, lagi lang nilang pinag-uusapan si Lucy, hindi man lang siya makaakbay man lang o makahawak sa kamay ng dalaga.

"Bro, lagi na kayong MIA"nakangusong turan ni Benjamin.

Nasa loob pa lang sila ng conference room kakatapos lang ng monthly meeting nila. Hindi pa sila umaalis doon dahil na din sa request ni Benjamin.

"Bro alam mo naman busy ako kay Issay"sagot naman ni Malik na nakangisi.

"Ako din alam niyo naman ang pinagdadaanan ko ngayon"segunda pa ni Marco.

Alam nilang lahat iyon, iniiwasan kasi ito ni Kyla ngayon. Gago kasi, kaya ayan nasa kanya na nga lahat halata ng mahal na ito ni Kyla pero kung anong kalokohan ang ginawa.

Pati tuloy siya nadadamay, pinagsusungitan siyang lalo ni Carla. Buti nalang talaga at hindi sila naghihiwalay ng dahil sa gulo nila Kyla at Marco.

"Ikaw anong idadahilan mo?"baling sa kanya ni Benjamin.

"Busy sa panliligaw"simpleng sagot niya.

"Tsk..."iyon nalang ang nasagot sa kanya ni Benjamin.

Speaking of Carla, hindi siya tinetext nito ngayon. Naisahan na naman kasi siya ng babaeng iyon, nakuha kasi nito si Lucy kahapon. Naiuwe nito sa boarding house ang aso nila ng hindi niya nalalaman.

"Hello"

"Bakit tumawag ka?"kita niyo na ang sungit na naman sa kanya.

"Kamusta si Lucy?"tanong niya sa dalaga.

"Wag mong intindihin si Lucy, basta ako nag-aalaga sa kanya walang problema"iyon lang at pinatayan na naman siya ng tawag.

"Lucy?"takang tanong ng mga kaibigan niya.

Alam naman ng mga ito na may alaga siyang aso kaso hindi lang alam ng mga ito ang pangalan ng aso niya.

"Lucy, iyong alaga kong aso"sagot lang niya.

"ahh, so sino ang kausap mo kanina?"takang tanong ni Marco.

"Si Carla,dinog-nap niya si Lucy kahapon"nakangusong sagot niya.

"Wow, hindi namin alam na mahilig din pala sa aso si Carla"puna ni Malik.

"Yeah, wala kaming ibang topic kundi ang aso namin na si Lucy"kwento niya.

Madami pa silang napag-usapan ng mga kaibigan niya na nauwi sa pagpunta sa Bar ni Benjamin. Buti nalang at hindi nagger si Carla pagdating sa pag-inom niya. ang kaso alam niyang wala lang talagang pakialam sa kanya si Carla.

"Bro, ano na bang gagawin ko kay Kyla"ngumangawa na hingi ng payo ni Marco.

Hindi naman niya magawang magbigay ng payo kasi maging siya naman may problema din kay Carla. Kaya naman natahimik nalang siya doon sa isang sulok.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now