Thirty-four

20.3K 482 8
                                    

Thirty- four

SPG...

Carla...

The whole party is boring...

May mga nakakakilala sa kanya sa party, mga social climber na paroot parito sa Paris na ginagawang shoping mall ang Paris. Naasar siya sa mga ganon pero ang mga ganitong klase ng babae ang nagpapayaman sa kanila ng kaibigan niya.

"Boring"bulong niya.

"Yeah, uwi na tayo?"narinig pala ni Jake ang bulong niya.

Ang hina na nga ng pagkakabanggit niya pero narinig pa din nitong kumang na ito.

Magsasalita siya ng biglang nagvibrate ang cellphone niya.

Sabay pa sila ni Jake na napatingin sa cellphone niya ng kunin niya iyon sa clutch bag niya.

"Hello, Lance napatawag ka?"tanong niya sa tumawag sa kanya.

Pinapauwi na nito ang ate Issay nito, sakto naman gusto na niyang umuwi. Kaya naman agad siya nagpaalam sa kausap. Napansin niyang nakakunot ang noo ni Jake na nakatingin sa kanya, no actually sa cellphone niya. kaya naman napatingin din siya doon, nawala sa isip niyang wallpaper nga pala niya ang baby nila ni Jake.

Kaya naman agad niyang itinago ang cellphone niya.

"I never thought, mahilig ka sa baby?"bulong sa kanya ni Jake.

Hindi naman niya masabi na anak nila iyon, natatakot siya sa sasabihin ni Jake sa kanya.

Baka magalit sa kanya si Jake dahil sa nangyari sa kanilang anak. Kung hindi siya naging pabaya sana buhay pa ang anak nilang dalawa.

"Ngayon lang"iyon nalang ang nasabi niya.

Naglakad na siya papunta sa gawi kung nasaan ang kaibigan niya para ayain na itong umuwi. Gusto na niyang makaalis doon at magpahinga. Bumibigat na kasi ang pakiramdam niya, naalala niya ang anak nila tapos kasama pa niya ang tatay nito ngayon.

Anak help me, nahihiya akong humarap sa papa mo. Pipi niyang kausap sa anak niya.

Hanggang sa makapagpaalam na sila, pasakay na sila ni Kyla sa taxi ng bigla silang hilahin nila Marco at Jake.

Ano pa nga ba ang aasahan nila kung ganitong kasama nila ang mga lalaking ito.

Gusto naman niyang sumama kay Jake, ang kaso lang hindi pa sana ngayon. Hindi pa siya handa, kaya nga hindi pa siya nagpapakita sa mga magulang niya dahil alam niyang sasabihin at sasabihin ng mga magulang niya kay Jake na nandito na siya sa pilipinas.

Hindi naman niya inaasahan na doon naman pala mismo sa kumpanya ng mga ito sila magta-trabaho sa Pilipinas. Ang huling pagkakatanda kasi siya Perez' Empire ang pangalan ng kumpanya nila. Kaya hindi niya inaasahan na sa mga ito pala ang LM's Corp.

Tahimik lang sila sa biyahe na mag-asawa.

Hindi niya mabasa ang nasa isip ni Jake, blako lang itong deretsong nakatingin sa daan habang nagda-drive ito. Kahit na apat na taon na siyang hindi nakakabalik, alam niya kung saan ang patungo nila.

"I'm staying in a hotel"aniya kahit na alam niyang hindi naman siya ihahatid doon.

"Do you think ihahatid kita doon?"blangko ang mukha ni Jake habang nagsasalita.

Hindi nalang siya nagsalita pa, itinuon nalang niya ang mata niya sa daan.

Dala ng pagod, nakatulog siya sa biyahe samantalang malapit na sila.

Nagising nalang siya na parang nangangawit ang braso niya. naisip pa niya na pinabayaan siya ni Jake na matulog sa loob ng sasakya.

Pero laking gulat nalang niya ng pagmulat ng mata niya nasa di kilalang kwarto siya. Ang nakakagulat pa ay nakatali ang mga kamay niya sa ibabaw ng ulo niya. nang silipin siya ang katawan niya nanlaki ang mata niya ng wala siyang ibang damit kundi ang panty nalang niya.

My Secret One (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن