Twenty-six

19.7K 465 22
                                    

Twenty-six

Carla...

Anong nangyari, nagbakasyon lang sila bakit bigla-bigla nalang ang laki ng pinagbago ni Kyla sa kanila. Naging aloof na naman ito sa mga tao, maging sa kanya na kaibigan nito naging malayo ang loob nito.

Kahit na anong approach niya dito hindi siya nito pinapansin.

Sinisisi na naman niya ang kaibigan ni Jake na si Marco sa mga nangyayari. Kasi naman ito ang huling kasama ni Kyla bago ito nawala nalang ng parang bula sa boarding house nila.

"Marco, do something...nag-aalala na ako sa kaibigan ko. Naiinis na din ako kasi ng dahil sa inyong magkakaibigan nawala ang mga kaibigan ko. Una si Issay ngayon naman si Kyla"umiiyak na turan niya sa binata.

Napayakap na siya kay Jake habang umiiyak. Nasasaktan siya, dalawang matalik niyang kaibigan ang nawala sa kanya ng dahil lang sa mga lalaking ito.

Noong una si Issay, nasaktan dahil ang buong akala nito may asawa na si Malik at kabit lang ito ngayon naman ay si Kyla sa hindi nila malaman na dahil.

Buti pa si Issay alam nila na nangibang bansa lang ito dahil isima ito ng ama. Pero itong si Kyla parang biglang nagshutdown nalang bigla ang buhay nito.

"Shh...tahana Carla I don't want seeing you crying"pag-aalo ni Jake sa kanya.

Nararamdaman niya ang paghaplos nito sa kanya ulo at likod.

"I'm sorry Carla. Hindi ko din alam ang dahilan ni Kyla why she's doing this. Nasasaktan din ako"sagot ni Marco sa kanya bago ito umalis at iwanan silang dalawa ni Jake.

"Shh...I'm here okay"bulong sa kanya ni Jake.

Naisip niya na baka after ng heartbreak ng mga kaibigan niya siya na ang sumunod, na hindi malayong mangyari dahil magkakaibigan ang mga ito.

Marahan niyang itinulak si Jake palayo sa kanya.

"What's the matter?"nagtatakang tanong sa kanya ni Jake.

"Sabihin mo na ngayon kung gagaya ka din sa mga kaibigan mo"matalim niya itong tinitigan.

Napamaang naman si Jake sa sinabi niya, alam niyang nabigla ito sa sinabi niya pero agad din naman itong nakabawi.

"Carla, if you're thinking na may gagawin akong ikasisira ng relasyon natin sana noon pa. Kasal tayong dalawa, ano pa bang dapat kong patunayan sayo na loyal ito"seryoso nitong sagot.

"I don't know what to do"nagsimula na naman siyang umiyak.

Hindi siya sanay na wala ang mga matatalik niyang kaibigan sa tabi niya. kaya siguro siya nagiging emosyunal nitong mga nakaraang araw.

Muli siyang niyakap ni Jake, nalilito siya sa nararamdaman niya ngayon.

............

Jake...

Gusto niyang magmura, pero kailangan niyang kimkimin ang lahat ng nararamdaman niya. Kailangan niyang magpasyensya sa lahat ng nangyayari sa kanila ngayon.

Hindi niya na alam kung saan siya kakampi, he's torn between his wife and his friends.

Kasama na niya ang mga kaibigan niya simula pa noong mga bata sila kaya alam niyang hindi magagawa ng mga ito ang mga ibinibintang ng mga babaeng mahal ng mga ito. Alam niya ang mga pinagdadaanan ng mga ito mula pa noong simula, at alam din niya na totoo ang nararamdaman ng mga kaibigan niya sa kaibigan ng asawa niya.

Like him, his head over heels inlove his wife.

Pero ang iniisip ng asawa niya niloko ng mga kaibigan niya ang mga kaibigan nito. kaya naman hindi niya alam kung anong salita ang gagamitin niya para hindi magmumukhang may kinakampihan siya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now