Nine

18.8K 493 15
                                    


Nine

Carla...

Nagising siyang parang binabarena ang ulo niya sa sobrang sakit. Hindi niya agad maimulat ang mata niya sa sobrang sakit ng ulo niya. Sa pagkakatanda niya, isang baso lang naman ng alak ang nainom niya kagabi iyong binigay sa kanya ni Oliver.

Speaking of Oliver ang lakas ng loob ng hayop na iyon na lapitan siya kagabi after ng nangyari sa kanila years ago. Hindi niya naman maiwasan kasi baka isipin nito na hindi pa siya nakakamove on sa ginawa nito sa kanya.

Bwisit na iyon kapal ng mukha...

Wala pa sana siyang balak na gumising dahil sobrang sakit talaga ng ulo niya kaso bigla may yumakap sa kanya.

"Hmmm..."ungol pa ng lalaking katabi niya.

Bigla naman siyang napamulat ng mata ng wala sa oras.

Paglingon niya sa bandang kaliwa niya nakita niya si Jake na mukhang nananaginip pa dahil ngiting ngiti ang loko.

"AHHHH!!!"sigaw niya.

Kusang kumilos ang katawan niya at naitulak niya si Jake palayo sa kanya. pinagsusuntok, hampas at sipa niya ito hanggang sa malaglag ito sa kama na kinahihigaan nila.

"Anong ginawa mo sakin hayop ka"inis niyang baling sa binata.

"My loves naman ang sakit 'non ha"daing naman nito.

Tiningnan niya ang ayos niya. nakasuot siya ng kulay white na tshirt na sa tingin niya kay Jake dahil malaki. Pinakiramdaman niya ang katawan niya wala siyang kahit na anong suot sa ilalim ng damit na ito maliban sa boxer short.

Wala naman siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya Maliban nalang sa masakit niyang ulo.

"Hayop ka pinagsamantalahan mo ako!!!"sigaw niya dito.

Nakita niya ang isang unan sa tabi niya at pinaghahampas iyon sa binata ng lumapit ito sa kanya.

"Aray, my Loves masakit"daing nito.

Hinuli nito ang kamay niya at kinuha ang unan na pinanghahampas niya dito kanina lang.

"Walang nangyari satin my Loves"sabi nito habang pilit na pinapakalma siya.

Hindi pa din kasi siya tumitigil sa paghampas dito making ang pagsipa.

"Wala? Eh bakit ganito ang damit ko? Sinong nagtanggal ng mga damit ko?"inis niyang sigaw sa binata.

"Ako"

Nang dahil sa sagot nito lalo siyang nagwala.

"Tama na my Loves...kahit na nakita ko na lahat sayo hindi kita ginalaw kagabi kahit na ginagahasa mo na ako"paliwanag nito in between sa pagsalag sa paghampas niya dito.

"Hayop ka Manyak!!!"sigaw niya.

"My Loves, hindi ka pwedeng matulog na puro suka ang damit mo...totoo na iyon kahit tingnan mo pa ang damit mo sa banyo"paliwanag na naman nito.

"Kahit na dapat hindi mo ako hinubaran"naiiyak na niyang tugon.

Nakita nan g hayop na ito ang lahat sa kanya, hindi siya pwedeng magkamali. Kasi alam niyang wala na siyang kahit na anong underwear ngayon.

"Nakapikit ako My Loves non tinanggal ko panty mo pati ng isuot ko sayo yang boxer ko..aray..aray..tama na my loves..bugbog na ako"pagmamakaawa nito.

Para siyang nauupos na kandila ng tumigil siya sa kakahampas dito. Nang sa tingin nito tumingil na siya kaya tumabi na ito sa kanya bigla naman siyang sumigaw.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now