Two

28.8K 653 19
                                    

Two

Carla...

"Hindi ka ba talaga titigil"inis niyang sita kay Jake.

Nasa labas na naman sila ng eskwelahan nila ngayon at naglalaro ng patintero.

Literal na naghahabulan silang dalawa ni Jake, gusto kasi siyang ihatid ni Jake sa boarding house nila. Pero ayaw niya kasi naman kung anu-anong kalokohan na naman ang gagawin ng lalaking iyon sa kanya.

Madaming beses na kasi siyang pinagtangkaang halikan nito.

Na madaming beses na din niyang naiwasan buti nalang talaga mabilis gumana ang utak niya.

"Hindi na kita pagtatangkaan na halikan, holding hands nalang"sabi pa nito sa kanya.

"Miller, wag ako...hindi na ako naniniwala sa mga kalokohan mo"mas binilisan pa niya ang paglalakad niya ng makita niya ang mga kaibigan niya.

Wala ng nagawa si Jake kundi ang sundan nalang siya nito ngayon at naglalakad na din habang nasa likuran niya.

"Bakla hindi ka ba naaawa kay Pogi?"pabulong na tanong sa kanya ni Topher.

Nilingon niya si Jake na nakasunod lang sa kanilang magkakaibigan. Mukha kasi itong nalugi na palakang nakasunod sa kanila. Nanghahaba ang nguso nito habang nakatingin lang sa kanya habang naglalakad.

Nakakatawa pa ngang tingnan kasi naman nakacoat and tie pa ito. ang pormal tingnan pero naglalakad.

"Hindi, bagay sa kanya iyan"ganting bulong niya sa kaibigan.

"Bigay mo nalang sakin friend, type ko siya parang santo. Hindi gagawa ng kalokohan"malanding bulong sa kanya ni Topher.

"Sige sayo na. itake home mo na"natatawa niyang bulong.

Kinikilig namang nagpahuli ng lakad ang baklang hitad nilang kaibigan at sinabayan sa paglalakad si Jake. Natatawa naman siya sa paraan ng pag-iwas ni Jake sa kaibigan niya pero makikita pa din naman na mukhang nagtitimpi ito na hindi mabastos ang kaibigan niya.

Hanggang sa makarating sila sa tapat ng boarding house nila hindi na nakalapit sa kanya si Jake dahil hinaharang na din ni Topher.

"My love, baka pwede namang sabay na tayong kumain. Kahit dyan lang sa tapat"hirit pa ni Jake sa kanya bago siya pumasok sa loob ng boarding house.

"Ako nalang sasabay sayo fafa Jake"malanding singit ni Topher sa usapan nila ni Jake.

"Ahh, kasi pareng Topher...nag-iisa lang ang gusto kong makasabay kumain, iyon ay ang nag-iisang babaeng dahilan ng pagtibok ng puso ko...si Carla lang...sa iba ka nalang sumabay kumain pwede ba PARE"inakbayan pa ni Jake ang kaibigan niya.

"Eiii...kainis ka naman, namumura na ang kulay sa mukha ko tatawahin mo pa akong PARE..halikan kita dyan"inis na sagot naman ni Topher.

Biglang napalayo si Jake kay Topher at lumapit sa kanya at nagtago sa likuran niya.

"My loves save me. My lips is only reserve for Carla's elusive lips"malanding turan din ni Jake sa kaibigan niya.

Napailing nalang siya sa kadramahan ni Jake. Palaging ganyan iyan, alam na alam nito kung paano pakiligin ang mga kababaihan. Nilingon niya ang mga babaeng nandoon ngayon at nakatunghay sa kanila. Kitang kita niyang kinikilig ang mga ito maging ang mga bruha niyang mga kaibigan kinikilig sa sinabi ni Jake.

"Tigilan mo ako Jake"inirapan niya ito at pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang balikat.

"Wag, please..wag...maawa ka sakin Carla...sobra ng nahihirapan ang puso ko"drama na naman ni Jake sa kanya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now