Thirty-six

19.7K 461 29
                                    

Thirty-six

Carla...

Maaga siyang nagising kinabukasan, dahil na din kailangan niyang gumayak ng maaga kasi may pupuntahan silang magkakaibigan. Pupunta sila ng Enchanted Kingdom para ilibot ang mga bata. Gustong gusto niya ang lakad na iyon dahil makakasama na naman nila ang mga anak ni Issay.

Malapit kasi siya sa mga ito bukod sa ninang siya ng mga ito, dahil na din sa anak niya na hindi niya nakasama. Feeling kasi niya sa pagiging mabait niya sa mga anak ni Issay nakikita niya ang anak niya sa mga ito.

"My love, breakfast muna"ani Jake sa kanya paglabas niya sa banyo.

Tinanguan lang niya ito, masigla naman itong bumaba para magluto na ito ng kakainin nila ngayong agahan.

Hindi naman siya nagtagal sa pag-aayos, kaya nakababa na siya. Magpi-prisinta na siya kay Jake na siya na ang maghahain ng pagkain nila para makaligo na si Jake, isasama niya kasi ito.

Plano na din kasi niyang unti-unting sabihin sa mga kaibigan niya angtungkol sa kanila ni Jake. uumpisan niya sa pagsasama niya kay Jake sa mga lakad nila.

Pagbaba niya sa hagdan sakto namang may nagdoorbell kaya kaysa sa kitchen siya dumeretso sa front door siya nagtuloy. Wala kasing kasambahay si Jake kaya walang ibang magbubukas ng pinto kundi siya. Hindi naman na niya inabala pa si Jake sa pagluluto, kaya siya na ang nagbukas ng pinto.

Napataas naman ang kilay niya ng mabungaran si Stella sa harapan ng pintuan nila.

Anong ginagawa ng babaeng ito sa bahay nila ng ganitong kaaga.

Lalo pang napataas ang kilay niya ng irapan siya nito at taasan din ng kilay.

"Who are you? Bakit ka nandito sa bahay ni Jake?"Mataray na tanong nito sa kanya.

Napabuga naman siya ng hangin sa naging tanong nito sa kanya. Bakit hindi na siya nito kilala, o baka naman nagpapanggap lang ito na hindi siya nito kilala.

"Why do you care kung sino ako? At kung ano man ang ginagawa ko dito samin nalang iyon ni Jake"ganting pagtataray niya sa babae.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman siya din ay ginawa din ang pagtingin dito mula ulo hanggang paa.

"Don't you know that the man inside of this house is taken? So fvck off"banta nito sa kanya.

Nag-init naman bigla ang ulo niya sab anta nito sa kanya. gusto na nga niyang ipagsigawan dito na siya ang may karapatan kay Jake dahil siya ang asawa. Kung makaasta naman kasi ang babae na ito kala nito pag-aari na nito si Jake.

Pero bigla din niyang naisip na maaring kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon dahil sa nagdaang apat na taon ito ang palaging kasama ni Jake. baka talaga namang may relasyon ang dalawa na hindi malabong mangyari dahil sa mga nababalitaan niya at nababasa sweet ang mga ito kung makita sa public.

Sa inis niya padabog niyang hinablot ang bag niya sa sala, buti nalang ibinaba na din niya iyon kanina kaya hindi na niya kailangan pang umakyat sa taas para kunin ang bag niya. walang paa-paalam na umalis siya sa bahay nila ni Jake.

Mabibigat ang mga paa na naglalakad siya palayo sa bahay nilang mag-asawa. Nagbabakasakaling may taxi na dumaan, pero alam niyang malabong mangyari.

"Excuse me Miss? Need some help?"approach sa kanya ng isang lalaking mukang kakatapos lang magjogging.

Ayaw sana niya itong pansinin pero kasi mukha namang approachable o friendly ang lalaki. mukha namang hindi gagawa ito ng masama sa kanya, mukha namang mabait.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon