Eigthteen

21.4K 449 11
                                    

Eigthteen

Carla...

Buong biyahe nila tinulugan lang niya si Jake, ayaw niyang makipag-usap dito baka kasi bigla nitong banggitin ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa siya handa na pag-usapan iyon.

"Hey, my loves"naramdaman niya ang pagyugyog sa balikat niya.

Pupungas-pungas siyang napamulat, parang nakalimutan pa nga niya kung nasaan sila ngayon ni Jake.

"Nasaan tayo?"tanong niya dito.

"Our Lady of Lourdes Church"nakangiting sagot nito sa kanya.

Doon naman niya tinanaw ang labas ng sasakyan, totoo nga na nasa tapat na sila ng simbahan ngayon.

Napakunot noo naman siya sa nakita niya, alam naman niya kung ano ang ginagawa sa simbahan. Ang tanong sa isip niya bakit sila nandito sa simbahan ngayon, hindi naman kasi linggo para magsimba silang dalawa ngayon.

"Magdadasal lang tayo tsaka magtutulos ng kandila bago tayo tumuloy sa Villa."nabasa marahil nito ang nasa isip niya.

Nagtataka man bumaba na din siya sa sasakyan ng bumaba na ito.

"Tsk, bakit hindi mo ako hinintay na ipagbukas ka ng pinto?"nakasimangot na tanong nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin at nilagpasan lang niya ito.

Pumasok lang sila sa loob ng simbahan, dahil nga hindi naman linggo ngayon walang masyadong tao may ilan pero hindi naman ganoon kadami. Naupo lang sila sa pinakadulo, hindi naman kasi siya religious type person, oo nga't may time naman na nagsisimba silang mag-anak pero hindi iyon madalas.

Nang lingunin niya si Jake nakaluhod na ito ngayon at nakapikit. Bigla naman siyang nakadama ng hiya, siya ang babae pero hindi man lang niya naisipan na lumuhod at magdasal dinaig pa siya si Jake.

Kaya naman lumuhod din siya at nagdasal.

Hindi naman mahaba ang dasal niya, aaminin niya hindi siya marunog magdasal ng super haba, tama na iyong nanghingi siya ng kapatawaran sa mga nagawa niyang kasalanan, nagpasalamat sa mga blessing at humiling. Maikling panalangin lang kaya agad din siya naupo sa kinauupuan niya kanina.

Napataas naman ang kilay niya ng makita niyang hindi pa tapos si Jake sa panalangin nito, nakaluhod pa din kasi ito.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa din tapos sa pagdarasal si Jake.

Nakatulog na yata.

Akmang tatapikin niya ang balikat nito ng mag-sign of the cross na ito tanda na tapos na itong magdasal.

"Tara"aya nito.

Tiningala niya ito ng tumayo na ito, inilahad naman nito ang kamay nito at inalalayan siyang tumayo.

Nagpunta sila sa gilid ng simbahan kung saan pwedeng magtulos ng kandila. Tig-isa sila ni Jake ng kandila na itinulos, pero ang nakapagtaka may isa pang kandila na dala si Jake na hindi naman nito sinindihan.

Ayaw naman niyang magtanong kung para saan iyon.

Malalim ba buntong hininga ang pinakawalan ni Jake bago ito ng sabi ng AMEN.

"Okay ka na ba my loves?"baling nito sa kanya.

Tumango lang siya, gaya kanina inalalayan na naman siya ni Jake sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa pinaradahan ng sasakyan nito.

Ipinagbukas pa nga siya nito ng pintuan ng sasakyan.

Nasa biyahe na naman silang dalawa, may gusto siyang itanong sa lalaki pero hindi niya magawang itanong. Baka kasi kung anong isipin nito sa kanya.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now