Prologue

54.4K 2.1K 367
                                    

August's POV

Nakatanaw lang ako sa bintana. Walang destinasyon ang aking paningin. Nang magising ako, akala ko panaginip lang ang lahat ng pangyayaring yun pero nagkamali ako. I wake up one day in a hospital inside the ICU with a healing stab wound and I've been declared missing for two weeks. Hindi ko alam kung paanong dalawang lingo lang ako nawala eh halos isang taon ako doon sa Pandora. I know it was real. Hindi yun panaginip. Hindi ako bobo para isipin yun na panaginip lang ang lahat ng yun.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. I remembered, I died. My heart did stop beating pero paanong buhay ako? Ang dami kong tanong pero ni isa ay wala akong makuhang sagot. Wala akong makausap tungkol dito dahil kung nagtatanong ako baka mapagkamalan pa akong siraulo and worst, baka ipadala ako sa mental institution. Walang maniniwala sa akin. No one believes in magic in this world.

It was all a mystery. Pero hindi ko nagawang ngumiti kahit anong pilit kong maging masaya. Now that I am here on earth, pakiramdam ko ay may malaking nawala sa akin. I am missing someone at alam ko kung sino ang namimiss ko. Pero ano ang magagawa ko? Nandito na ako. Nakauwi na ako. Di ba ito naman ang gusto ko? Then why am I feeling this way? Why do I feel like I no longer belong here?

I really hope so that I will overcome this hurdle. I might be questioning my identity now dahil sa sinabi ni King Laurent, but the fact that I was returned here on earth only means, I am human.... but still, how on earth I ended up here after my death? Don't tell me this is heaven? Is heaven has air pollution and a noisy road vehicles?

"AUGUUUUSSSSTTTTT!" Dinig ko na tili ni Misha. Humahangos siya na patungo sa akin. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

"Oh?" Tanong ko rito. Nandito lang kasi ako sa lanai ng bahay nina Misha. Dito ako pansamantalang nakatira habang habang nag-aaral.

"Magpapasukan na. Hindi ka ba bibili ng mga gamit?" Tanong nito sa akin.

Napatitig naman ako kay Misha. The good thing about her is she doesn't pry. Isang beses, tinanong niya ako kung ano ang nangyari kung bakit nawala ako. Wala akong maibigay na sagot. I came up to lie na kahit halatang kasinungalingan lang ay tinanggap nito at hindi na ito nangulit. She respect my privacy and every human being has the right to remain silent naman.

"Wanted to go now?" Tanong ko rito. It's been a few years since that incident. This will be my last year as criminolgy student. After this, I will take an examination for licensure and take another training for CIA. This is my dream, because office works doesn't fit me.

"Sige tara! This will be our final year, and I can't believe it na nalagpasan natin ang mga training na yun." Saad ni Misha. She's also like me. Graduating sa criminology, but I am not sure what field she will pursue.

"Yeah. Be proud." Sagot ko rito. Those trainings are nothing compared with what I went through sa Pandora. Every night, I wished na sana pag-gising ko ay nasa Pandora ako ulit. Pero ilang buwan na ang lumipas, walang nangyayari, hanggang sa sumuko na ako sa kakaasa. Maybe, that was just a dream a beautiful but bitter sweet dream.

Nagpunta na kami ni Misha sa mall kasama ang driver nito. We went to buy some stuff dahil buong school year kaming hindi makakalabas sa Academy. Malayo din ito sa syudad. Marami kaming pinasok na mga shop sa mall, pero wala akong binili. Si Misha ang naraming binili. Mga damit, make up at kung anu-ano pa. Hindi naman niya magagamit yun doon dahil naka boy cut na nga yung buhok namin, meron din dress code doon.

"Haist, dapat kasi hindi na pinuputol ng maikli ang buhok ng mga babae. Bakit ba kasi kailangan? Kung hindi ko lang talaga trip ang kursong ito, naku nagfashion design na talaga ako." Reklamo ni Misha. Lagi naman kasi itong ganito. Iyak ito ng iyak ng pinaputol nito ang buhok. Bakit may ganun policy daw. Violation of human rights daw yun.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now