62. Drunk and Wasted

26.4K 1.2K 242
                                    

August's POV

Hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari ng magkaharap kami ni Dani. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko. I am happy but I feel like I caused Dani a tremendous pain for her to breakdown and passed out.

She fainted after the shock of what Cayden told her. Hindi pa rin pinapaliwanag ni Cayden kung ano ang nangyari kung paanong nainvolve siya kay Dani. Even she was like that, I can't even blame Dani for it. Una ay hindi niya alam. Wala siyang alam. What she acted was all because of her jealousy. Kahit sino naman siguro makita ang inaakalang boyfriend nila na may hinahalikan na iba ay magwawala.

"I still can't believe this is all happening. Kung may tao man sisisihin dito ay walang iba kundi si Cayden lang. Hayop din yun eh. Ikaw ang mahal. Naging syota ka tapos biglang nagdala ng kabit at nagkanda leche-leche na. Hindi ko alam kung matinong lalaki ito si Cayden eh. Mukhang matino pero sobrang hindi ko ma-spelling yung ugali niya." Reklamo ni Misha. She's sitting right now on the chair and having her elbows on the table. Ako naman ang nasa higaan at nakaharap kay Misha.

Kahit ako ay hindi ko rin alam kung papaniwalaan ko rin si Cayden. Sa dami ng ginawa niya sa akin at sakit na ipinaramdam, kaya ko pa ba siyang paniwalaan? Sabi niya hindi niya ako sasaktan pero kabaliktaran ng sinabi niya ang ginawa niya sa akin.

Tok tok tok

Napalingon naman kami ni Misha sa pintuan dahil may kumatok doon. Napatingin naman ako kay Misha at sumimangot ito at hindi ito nagtangkang tumayo. Ako na ang tumayo dahil inaatake na naman ito sa katamaran nito.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan ko yun pero halos maisara ko rin yun kaagad kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. I should not be reacting like this dahil wala naman akong kasalanan. Nakatitig lang ako ngayon sa taong nakatayo sa harap ng pintuan. He has his eyes of longing na sa palagay ko ay kung okay kami, I am already under his palm and wrapped on him.

"How can I help you?" Tanong ko rito at hindi ko nilakapan yun ng emosyon. I am trying to be strong and not to breakdown in front of him. I should be strong.

"I miss you....." Ito ang sinabi niya. Pero kahit hindi niya sabihin yun ay kitang kita ko sa mga mata niya na totoo yun. But how can I believe him? If we are all fucked up because of him?

"Is that all?" Tanong ko rito at hindi ito sumagot. He was staring at me intently like I almost melt under his gaze. "Then you can leave." Saad ko na lang rito dahil parang wala na itong balak na magsalita.

Isinarado ko na ang pintuan at bumalik na ako sa kama. I saw Misha's eyes was sweeping my face.

"You really love that jerk." Inis na saad ni Misha. "But I can't blame you. Who would not fall for a guy like him? Sinalo na yata niya ang lahat ng kagwapuhan sa mundo. Pero, yang ugali niya, nakakaturn off. Pakiramdam ko ay anytime, kaya niyang mambabae. Just imagine kung kayo magkakatuluyan. Magiging masaya ka kaya? Tapos biglang magdadala na lang siya ng ibang babae?"

Parang biglang nanikip yung pakiramdam ko. Sa sinabi ni Misha parang nagising ako sa isang katotohanan. With what happened, Cayden has a tendency of being unfaithful. Ang bagay na pinakaayoko sa isang lalaki.

Pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko pero pinigilan ko yun. Tumayo ako. Gusto kong magwala pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Aalis ako." Saad ko kay Misha.

Biglang napatayo naman ito at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Huh? Anong aalis? Saan?"

"I mean, I just want to get out from here and think." Sagot ko rito. "Masyadong masakit ang natatanggap ko ngayon. Hindi ko na alam baka ang susunod nito ay hindi ko na kakayanin pa." Mahinang pagkakasaad ko dito.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now