23. Party in the Club

32.4K 1.6K 378
                                    

August's POV

The meeting ended up of having a party outside. Nagkasundo ang karamihan na sa isang bar na lang gaganapin ang party since biglaan naman daw. No need for reservation na rin dahil magpaparty lang daw kami ng parang mga pangkaraniwang tao. Akala mo naman hindi sila tao. Now that I mention it. Naalala ko naman yung sinabi ni Lucas na kapatid ko yung kamukha ko. Palagi ko yun nakakalimutan. Hindi ko nga alam bakit hindi ako nagulat ng malaman ko na hindi ako tao, because I feel like more human than being a pandorian. I don't even have an ability. Kung abilidad na ang lumamon, malamang yun na yun.

"I can't go with the party Chief." Saad ko naman kay Chief kaya napatingin naman ang lahat sa akin. Naalala ko kasi si Cayden, baka kung ano na naman ang gagawin nun kung matagal akong makauwi. Kanina nga lang may pawalkout pang nalalaman. Kala mo babae kung makaasta eh.

"You must join August. This is the welcoming for your new member in Delta Team." Saad naman ni Chief in a stern voice. Parang sinabi na rin nito Have some respect.

Halos ngumiwi naman ako. Sabi ko na dati ayoko ng bumalik sa nga ganyan dahil sa nangyari sa akin. Kung isipin ko man ngayon, ipinagpasalamat ko na lang na si Cayden ang nakahanap sa akin nun dahil kung ibang tao yun, malamang nagahasa na ako.

"Fine." Saad ko na lang. I just hope na hindi ako hanapin ni Cayden. He is acting a bit possessive kahit hindi naman kami.

Kanya kanyang labas kaming lahat at pumunta kami ni Misha sa desk namin na minsan lang namin nagagamit. Lagi kasing nasa field kami at miminsan lang kami napapatambay dito sa HQ.

Kinuha ko ang mga files doon na nakalagay sa drawer. Nandito ang nga past cases and upcoming missions nakalagay. Chief will usually send us email dahil miminsan nga lang kami rito, but he put the hard copy in our drawers.

Nakita ko ang bagong mission na gagawin. Hindi pa ito nasasabi sa amin ni Chief. It was not dated pa naman. Binuksan ko ito at binasa. Napataas naman ang aking kilay ng mabasa ko ito.

"Aren't they too late to pass this to us?" Naisaad ko. I am browsing the pages at mas mahirap na ito kesa sa una.

"Huh? Bakit?" Biglang tanong naman sa akin ni Misha.

"Look on the folder. The FBI is giving us the full consent to capture Senator Velasquez, kung kelan sobrang hirap na nitong hanapin. Akala siguro ng mga ito, may tracking device tayo kay Velasquez." Sagot ko kay Misha.

"Talaga? Eh bakit ngayon lang? Kasi di na nila kaya? Ano bang klase sila, pagmahirap na tayo na tatapos." Reklamo din ni Misha. "Kelan daw yan?"

Umiling ako. "Hindi ko alam. Wala pang date at tsaka wala pa din sinasabi si chief. We will just wait for his email." Sagot ko na lang din dito.

"Kunsabagay, kararating lang din ni Vladimir kaya siguro hindi pa sinasabi ni Chief." Saad nito at biglang ngumisi. "Pero ang guwapo niya. Umalis yung guwapo, yung pumaliy naman guwapo. Tiba tiba tayo."

"Tss, ewan ko sayo." Sagot ko na lang at hindi na nagsalita pa. Ibinalik ko na ang folder sa drawer ko at tiningnan ko naman ang ilang reports na nakalagay doon. They are the reports if the successful missions done every month.

Marami pa akong binasa at may mga ginawa din ako. Like a typical office work. Though kabisado ko lang masyado ang ginagawa ko dahil parte ito ng trabaho ko. Si Misha ay busy na rin sa mga ginagawa at wala ng umistorbo sa amin.

•••

"Misha, no! I don't need to wear that! Okay na sa akin ito. Besides, ayoko naman pumunta doon." Reklamo ko rito.

Paano na naman kasi pasusuotin niya ako ng damit na halos kita na kaluluwa ko. Maiintindihan ko kung misyon ito pero hindi eh.

"Anong pwede yan? You have to wear this, para magmukhang normal ka sa bar. Hindi ka papapasukin doon kung ganyan ang damit mo!" Reklamo naman nito na parang ang laki laki ng problema sa akin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now