76. Counter Clockwise

20.3K 1.1K 193
                                    

Third Person's POV

Clandestine was looking painfully and full pity of the girl in front of him who's crying her heart out because of the dead man lying in front of her. Nasasaktan si Clandestine dahil sa inaasam-asam niya na pagtatagpo ng kanyang anak na si August ay ganito pa ang nangyayari. He was hoping to see her other half, pero mukhang imposibleng mangyari yun dahil hindi din siya magtatagal. Meeting one of the twins is enough.

He only has few minutes to see August and talk to his daughter. His daughter who he never met dahil namatay din siya ng nabuntis si Mikaella. The existence of the twins inside Mikaella's womb made his destiny changed.

When Snow recreated the world, hindi namatay si Clandestine. Subalit ay naibalik siya sa kalangitan at sumailalim sa isang paglilitis. Muntik na siyang ipatapon sa walang hanggang kadiliman kung saan ay wala siyang makakasama at makakasalamuha. Pero, nagulat na lang siya ng ipinagtanggol siya ni Snow. Pansamantalang naibalik din si Snow sa kalangitan at ipinagtanggol si Clandestine. Kaya imbes na ipatapon si Clandestine sa walang hanggang kadiliman, ay naparusahan lamang siya na magiging tao si Clandestine na walang kapangyarihan at sa ibang katauhan.

Naalala niya lahat kahit noong nagkita sila ni Snow sa Wilson Academy pero kailangan niyang magpanggap na hindi niya kilala ito dahil nawala ang memorya ni Snow noong nasa kalangitan siya na sadyang tinanggal ni Magmus.

Binigyan siya ng dalawang limang daan taon na kaparusahan bilang tao. Pero hindi niya alam kung talagang kaparusahan yun dahil kasama naman niya ang babaeng natutunan niyang mahalin, pagkatapos niyang matanggap na hindi talaga sila nararapat sa isa't-isa ni Snow.

He lived. Pero ang hindi niya inasahan ay ang mabubuntis si Mikaella kahit, matanda na ito. Alam niya na ipinagdarasal ni Mikaella araw-araw ang pagkakaroon ng anak nila dahil yun ang hindi niya maibigay rito. At noong oras na nasa loob na ng sinapupunan ni Mikaella ang mga anak nilang dalawa ay doon din nagwakas ang kanyang buhay bilang tao.

Binawi na ni Magmus ang kaparusahan pero pakiramdam niya ay mas matinding kaparusahan pa ang nangyari dahil hindi niya makakasama ang kangyang mag-ama. Ipinagbawal na rin ang pagbaba niya sa Pandora dahil hindi niya na yun basta-bastang mapupuntahan.

Nanatili siya sa kalangitan na malungkot pero laging pinapanood ang mga pangyayari sa kanyang dalawang anak. Alam na niya ang kapalaran ng kambal. Dahil yun ang ibinigay na kapalaran ni Magmus sa dalawa.

Ang unang isisilang ay mananatili sa Pandora at dadaan sa kamay ng kamatayan. Habang ang pangalawa naman ay mapupunta sa ibang mundo upang iwasan ang nakatakdang kamatayan. Isang sumpa ang pagsasama ng dalawang kambal sa iisang mundo sa Pandora. Kung hindi mamamatay ang isa, ay magiging masama ang isa.

Kaya hindi ipinagsama ang kambal at namuhay sila sa kanya-kanyang mundo. Pero kahit anong ginawang paghiwalay ni Magmus sa dalawa, nakatakdang bumalik si August sa Pandora na kagagawan din ng kanyang kakambal. Dahil kay Augusta, ay nabuksan ang portal at napunta si August sa Pandora.

Namatay si Augusta, at napunta naman si August sa Pandora. Pero sa kamatayan ni Augusta, ay milagrong nabuhay pa ito. Dahil nananalaytay sa kanila ang dugo ni Clandestine na isang diyos, kaya hindi sila basta-bastang mamamatay. Kaya ganoon din ang nangyari kay August. Noong nasaksak siya ng hari ng mga Orcs. Hindi niya ikinamatay yun dahil nananalaytay sa kanya ang isang makapangyarihang dugo.

They are halfblood, kahit hindi nila namana ang kapangyarihan ni Clandestine. Pero binigyan naman sila ng mga kakaibang kapangyarihan. Summoning at Pagpapagaling ang kaya ni Augusta, habang ang kay August naman ay kahilingan.

Napatingin si Clandestine sa lalaking nakahandusay sa sahig. Kilala niya ito. Ito ang apo ni Snow. Nasubaybayan niya rin ito dahil parte ito sa buhay ng kanyang anak. Cayden's ability is still the tip of the ice berg. It is not yet his full potential. Even him, the God of darkness, cannot bend the law of nature. He cannot revive a person once dead. He cannot make a dead undead. Necromancy is something that was forbidden.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now