15. The Outburst

33K 1.9K 499
                                    

August's POV

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sakit ng ulo. Ilang araw na ang nakalipas at nasasagad na ako kina Cayden at Lucas. Dumadagdag pa itong si Reed. Paano ba naman kasi, si Cayden palaging naninita kung magkasama kami ni Reed at si Reed naman pinapatulan itong si Cayden. Ang ayoko lang naman mangyari ay ang magkabugbugan ang dalawa dahil tiyak na sa ospital ang bagsak ni Reed. Syempre kaibigan ko yun.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangan umakto ng ganun si Cayden. He is acting like a jealous boyfriend eh hindi naman kami at mas lalong may ibang mahal naman siya at hindi ako yun. Oo, kamukha ko pero hindi ako. Nak ng pating, hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove on. Alam ko na rin na napapansin na ng mga kasama ko ang mga nangyayari kaya si Misha, parang baliw naman na ngising ngisi palagi at tinutukso ako. Sarap din bigwasan ng isang iyon eh. Kung makatukso, akala mo talaga wala din nangyayaring kababalaghan sa love life niya.

"Hey you." Biglang lapit naman sa akin ni Scarlet. She is wearing a body fit jump suit na akala mo sasabak ito ngayon ng mission. "I am allowing you to flirt with Draco because you are just one of the girls he'll kill time with. But, it won't be long... this training is almost soon to end and we will never be seeing you again. So-"

"You done? You know what Scarlet? I did not know that you have a lot of insecurities hidden in you. For how many times I should have tell you. I don't give a damn with Draco. You can have him for all I care. And you are accusing me for flirting with him? Are your eyes okay or should you visit an ophthalmologist to have your eyes check. You're seeing things that is not even real." Sagot ko rito. Sa ilang araw na pakikipagsagutan ko rito, talagang nag-improve na ako sa english. Putek, talo ko pa ang nag-ooral participation sa buwiset na ito eh.

"I am warning you August." Banta nito na hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na yun.

"You should put some sign board on Draco saying he is yours with flashing light and glitters on it, okay?" Saad ko pa rito at konti na lang talaga at matatadyakan ko na ang babaeng ito.

"I don't need to do that. He is mine." Matigas na saad nito at biglang nagwalk out sa harap ko.

Napapailing na lang ako. Poor girl, ni wala itong ideya na hindi tao ang nagugustuhan nito. Sooner or later alam ko na babalik sina Cayden at Lucas sa Pandora. Alam ko naman na hindi sila forever dito dahil kapwa may mga responsibilidad ang dalawa sa kanilang mundo. Hindi ko nga alam kung bakit nagtagal pa ang dalawang ito rito.

Pumanhik na ako sa gym dahil balak kong bugbogin yung punching bag dahil baka hindi ako makapagpigil ay mukha ni Scarlet ang mabubogbog ko.

Malalakas na sipa ang pinakawalan ko at suntok. Pawis na pawis kaagad ako dahil sa mga agresibong mga galaw ko. Hindi ko na namalayan na pumasok din pala si Reed.

"Hey.." pansin nito sa akin na lumapit din sa katabing punching bag. Himala, hindi ito naglilift ngayon.

"Hey.." sagot ko naman rito. Hindi ako tumigil sa pagsipa sa punching bag. Dapat kicking bag na tawag dito eh.

"The training will end the day after tomorrow." Saad ni Reed sa akin.

Napatigil naman ako sa pagsipa at napatingin rito. So totoo yung sinasabi ng babaeng hitad na yun? Akala ko naman fourty-eight years kaming magtetraining dito eh.

"Ah, that's good. At least, magtatrabaho na tayo ulit." Sagot ko at ibinaling ko ang tingin ko ulit sa punching bag.

"Yeah, at least.....one rival down." Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi nito dahil parang sa sarili lang nito yun sinabi. Yung tipong mas mahina pa sa bulong.

"Ha?" Tanong ko pa.

"Sabi ko at least.......makakabalik na tayo sa downtown." Sagot nito.

"Oo nga. Maganda nga dito kasi eco friendly lahat, pero nakakaburo naman. Walang malls o kaya naman clubs." Sagot ko na lang. I am not a fan with clubbing. I was just saying that dahil yun naman ang universal preference ng mga tao.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHDove le storie prendono vita. Scoprilo ora