33. Way Back Home

27.9K 1.5K 147
                                    

August's POV

"Wala siya sa unit mo August. Maybe nasa bahay." Bungad ni Misha sa akin mula sa cellphone.

I was answering her habang nagsusuot ako ng roba para maligo na.

"Ah sige pupunta na lang ako sa bahay niyo." Sagot ko na lang rito at tsaka binaba ko na ang tawag.

Pumanhik na ako sa shower para maligo. Napapakunot pa ako ng noo dahil sa klase-klaseng shower jel doon. May jasmine scent, vanilla, rose at kung anu-ano pa. Hindi ko na muna yun ginamit at ginamit ko na lang yung nakasanayan na sabon ko. Natapos naman ako sa pagligo at lumabas na ako at pinatuyo ko ang aking buhok.

Agad na akong nagbihis at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na ako gamit ang motor ni Misha. Ginagamit ko ngayon ang Yamaha R6 niya. Nasa kanya naman ang Ducati ko. Wala na akong pakialam kung malaman man ni Nate na nagmomotor ako. Marami naman pwedeng idahilan. Naging mabilis ang takbo ng motor ko at nakahelmet lang ako ng kulay itim din. Ang damit ko naman ay random lang. Naka denim na jacket at black pants.

Sa C5 ako dumaan para hindi masyadong matraffic. Nasa laguna ang bahay nina Misha at doon din ako nakatira dati. Sa mga ganitong okasyon dapat ay nagkokotse ako pero wala naman ako nun at mas lalong ayoko naman mag commute dahil mas matatagalan ako nun.

Mabilis ang aking pagtatakbo, pero nasa sapat na speed pa rin naman ako. 400cc pag nasa free way.(ehem, don't ask me bakit alam ko. Dahil yan ang motor ng 😜 ano ko haha.) May mga nadadaanan akong iilan bus at mga kotse. May iba na lumiko pa sa Nuvali dahil dun lang ang destinasyon nila. Ako derecho lang hanggang sa marating ko na ang isang mamahaling village dito sa Santa Rosa.

Agad na ipinakita ko ang I.D ko sa guard. Tiningnan niya muna ako sa computer doon at chineck niya baka nasa blacklist ako. Wala na dito yung dating guard na kung saan ay kilala na ako.

"Eto po I.D niyo ma'am. Pasensya na bago lang po ako dito kaya di ko pa po kabisado ang mga residente." Hingi ng paumanhin nito habang ibinabalik nito ang I.D sa akin.

"Okay lang kuya, minsan lang din naman ako umuuwi dito kaya malamang hindi niyo ako makikilala." Sagot ko na lang rito. Ibinalik ko na ang helmet ko sa pagkakasuot at nagdrive na ako papasok. Iilang blocks din ang dinaanan ko bago pa ako huminto sa harap ng malaking gate nina Misha.

Bumaba ako sa motor at pumanhik ako sa door bell para pindutin yun. Ilang segundo ay may lumabas na katulong doon sa maliit na gate at agad ako nitong nakilala.

"Aba, ikaw ba yan August?" Excited na tanong ni Manang Fe.

Ngumiti naman ako at hinubad ko ulit ang helmet. "Opo manang Fe."

"Ay naku keganda-ganda mo na lalo. Ang tagal tagal mo ng di umuwi dito." Saad pa nito. "Teka bubuksan ko muna ang gate para ng maipasok mo yan motorsiklo mo."

Agad naman itong kumilos at pumasok ulit para buksan ang malaking gate. Sumakay ako ulit at pinaandar ko yun papasok at nagpark na ako sa garahe doon. Nakita ko ang kotse ni Tito Hector na nakapark din kaya malamang nandito din ito sa bahay. Hindi pumasok sa kompanya?

"Pumasok ka na dito August anak! Kanina ka pa hinihintay nina senior at seniora." Tawag naman sa akin ni manang Fe.

Agad na pumanhik na ako patungo sa main door at pumasok. Agad na bumungad sa akin ang marangyang sala. Pero parang biglang hindi na ito kakaiba sa aking paningin dahil kung ikukumpara ko ito sa sala ng mansion ni Cayden, kalahati lang ito.

"August!" Agad na salubong sa akin ni Tita Grace at niyakap ako. "Hay naku ikaw na bata ka, buti naman at naisipan mo pa na umuwi. Lagi kong tinatanong si Misha kung kailan ka uuwi." Parang nagtatampo na saad pa nito sa akin at kumalas ito sa pagkakayakap sakin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now