78. The Great Evil

20.9K 1.1K 82
                                    

August's POV

Mabilis akong gumalaw ng makita ko ang paglapit ni Alucard sa sarili kong nakaraan. I saw how they clashed swords. Walang malay si Clint at patuloy pa rin ang iba sa pakikipaglaban. I saw how Alucard intentionally made him stabbed by me. Naningkit ang aking mga mata.

Ibig sabihin ay hindi ko siya nasaksak sa sarili kong kakayanan dati. It was fucking intentional! He purposely made his defense open para masaksak ko siya.

I saw how he fell to the ground and I saw how myself left his body thinking he's already dead. It was just part of his scheme. From the very beginning it was already plotted. Sinadya ni Alucard talaga na isipin ko na patay na siya para maisagawa niya ang kanyang balak.

Napalingon na lang ako ng narinig ko ang tili ni Genieva.

"August!"

I saw how I stabbed King Laurent and how his sword pierced in my stomach. I saw how they went pale seeing me in that situation. Agad na bumitaw si Cayden kay Augusta at nilapitan ako.

"August, stay awake. Please... please... do you hear me August?...........August!.......August..........God! No.....No! No! August! Mahal na mahal kita! Wag mo akong iwan! Please! Hindi ko kaya.... hindi ko kaya......Please...... don't let her die......." Dinig kong hagulgol ni Cayden. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa akin.

Nawala na rin ang mga orcs ng namatay si King Laurent. Genieva was crying and sobbing but she could not even go near me. Pati si Pearl ay umiiyak na at bumalik na ito sa pagkabata. Fyro was breathing deeply while looking at me. Nakita ko rin na naiyak si Augusta na nasa likuran ko ngayon na hindi alam ang gagawin.

That's how it happened. Hindi ko na sila napansin noon. Ni hindi ko narinig ang mga sinabi ni Cayden dahil hindi ko na marinig ang ibang mga tunog.

Napalingon na lang ako ng makita ko na tumayo si Alucard. Walang nakapansin sa kanya bukod sa akin. He was limping dahil mukhang masama ang kanyang bagsak even though that was just an act.

Agad na gumalaw ako. I was still wearing the helmet. Kahit makita man nila ako ay hindi nila ako makikilala. Agad na hinarang ko ang daan ni Alucard. I remember how he said na kung siniguro ko lang na patayin siya ay hindi mangyayari ang paghahasik niya ng lagim. If I was able to kill him.

Hindi nakapagsalita si Alucard ng humarang ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. Halatang hindi niya ako nakilala. Sino ba naman ang mag-iisip na ako ito kung ang sarili ko ngayon ay nag-aagaw buhay sa kabila. Until now, hindi ko alam kung ano ang misyon ko rito. Bakit bumalik ako sa panahon na ito pero ito ang masisiguro ko. Itatama ko ang mga mali ko. If I wasn't able to kill Alucard before, then I will make sure he's dead right now.

"Goodbye, Alucard...." I uttered before I slashed him with my sword at pinatama ko yun sa kanyang lalamunan at nakita ko kung paanong naputol ang kanyang ulo at bumagsak yun sa lupa. His body was shaking until it fell unto the ground. "You have been slain."

Napatingin ako sa sarili kong nakaraan at nakita ko kung paanong parang may lumalabas sa aking katawan. Para silang alitaptap na unti-unting dumadami at ang katawan ko ay unti-unting nawawala.

My real body is now slowly fading. Unti-unti ng nagiging transparent ang kamay ko at buo kong katawan. Ibig bang sabihin nito ay tapos na ang oras? Fuck, ni hindi ko nga parin alam kung ano ang misyon ko dito!

Natapos ko ba? Bakit pakiramdam ko ay hindi? Paano kung hindi ko nga natapos ang pagsubok at naubusan ako ng oras dahil sa pansarili kong kagustuhan? Paano kung ang pagsubok ko pala ay iligtas ko ang aking sarili mula sa kamatayan kay King Laurent? Paano kung yun pala?

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now