58. Stubborn and Dictator

25.3K 1.3K 235
                                    

August's POV

"Talaga bang tutuloy ka? Hindi mo ba nakita yung mukha ni Prince Cayden? Pero kunsabagay hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ganun." Turan sa akin ni Tonet dahil inaayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos namin sa klase namin na Weapon at combat. This class runs 3 hours dahil combined na ang dati na dalawang magkahiwalay na subject.

"As if naman makikinig ako sa taong yun. Tsaka baka importante ang sasabihin si Sir. Hindi yun mapipigilan ng walang kadahilanan ni Cayden." Sagot ko rito at kinuha ko na ang bag ko pagkatapos kong maiayos ang mga gamit ko. "Sige punta na muna ako kay Sir."

"Sige hintayin na lang kita rito. Kailangan ko din na tapusin ito." Saad naman ni Tonet na tinutukoy ay assignment namin sa weapon and combat class.

Tumango na lang ako at lumabas na. Mamaya ko na gagawin yung assignment namin dahil madali lang naman yun. But maybe for Tonet is not. Sanay na ako sa mga weapon and combat. This subject is easy as pi.

Naglakad na ako patungo sa office ni Sir Gus. May mga mangilan-ngilan akong estudyanteng nakita na naglalakad at ang iba ay naghahabulan. Dere-derecho lang ako hanggang sa narating ko na nga ang office ng mga teacher. Pagkapasok ko pa lang ay may mga iilan teachers na lang ang natitira doon. Yung iba siguro gumagawa ng lesson plan. Lahat ng natira doon ay busy kaya hinanap ng mata ko si Sir Gus at nakita ko naman ito kaagad na busy ito sa kakatipa sa kanyang laptop.

Lumapit ako rito at binati ko ito ng magandang hapon. Agad naman itong napalingon sa akin at itinigil ang ginagawa.

"Ah Miss White. Salamat sa pagpaunlak mo dito. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko sana na mainterview ka para sa gagawin kong libro. Hindi naman lingid sa lahat na isa ka sa Pandora na pinaka-interesante ang buhay. I wanted to create a book. The happenings after your life here in Pandora. Since the History will be slightly change, I would like to create a book that will support the history as well." Paliwanag nito sa akin.

Malinaw sa akin na gustong gumawa nito ng libro tungkol sa naging buhay ko sa Earth pero hindi malinaw sa akin kung anong klaseng libro iyon.

"Anong libro ba yun Sir?" Tanong ko naman rito. Baka balak nitong isulat ang autobiography ko.

"Ah hindi naman yung parang story book. May revision kasi ng History book na gagawin dahil sa pagbabalik niyo. I wanted to add more details on how did you survive and a brief story of your life on Earth." Paliwanag naman nito sa akin.

It makes sense dahil nga sa pag-aakala nila na namatay ako at ngayon ay buhay pala, mababago talaga ang nakasulat sa History. Pero hindi ko alam kung papayag ako. Dahil kung papayag ako ibig sabihin ay magiging involved din sina Cayden dahil parte din sila sa paghahanap sa akin sa Earth.

I remember Cayden told me na alam nila na buhay ako, then why did they announce dito na patay na ako? Maybe they are thinking that I will not be able to return to Pandora kaya ganun ang ipinalabas? That's a possibility dahil 50/50 chance lang na makita nila ako. The world is so wide with 7 continents and they don't even have any idea kung saan ako nakatira.

"Hhmm, sir pag-iisipan ko muna kasi hindi lang ako ang involve dito. Kasama na din ang prinsipe at si Lord Lucas. Baka kasi papayag ako tapos ayaw naman pala nila." Sagot ko rito. I just wanted to make sure. Hindi ako yun tipong padalos dalos, well maybe I was like that before but that was then. This is my now. Charot, parang kanta lang.

"Naiintindihan ko pero sana pumayag kayo dahil para din naman ito sa kinabukasan ng kabataan. Ang tamang impormasyon tungkol sa kasaysayan." Saad nito sa akin pero nakangiti naman.

"Sige po sir. Pag-iisipan ko po." Saad ko rito at nagpaalam na ako na aalis. It felt too fast pero inabot din ako ng 30 minutes sa loob ng office.

Lumabas na ako at bumalik ako sa classroom at naabutan ko nga si Tonet doon na nakaupo at nakatingin sa kawalan. Malamang tapos na ito sa assignment.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now