4. Wild Night

36.2K 1.9K 436
                                    

August's POV

"Auuuggguuuussssstttt! Sumama ka na! This is girl's night out! Walang boys involved. We should enjoy our last night of being free from burden. As soon as magsisimula na ang training natin, I don't think we can still have time to have fun." Yaya sa akin ni Misha she's already dressed to kill. Akala mo kung saang party ito dadalo.

Rest day kasi namin bukas at tinatamad ako. Last week, I spent my rest day with Reed tapos ngayon, lalabas na naman ulit? Wala na ba talaga akong pag-asa na makapagpahinga ng maayos?

"Mish.... tinatamad ako as in. I wanted to sleep." Patamad na saad ko habang nakadapa ako sa sofa.

"August, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Hindi ka nga sumasama sa night out natin eh. Kahit ngayon lang, promise hindi na kita pipilitin pa." Nakangusong saad nito. "Tapos libre pa kita ng food mga one month."

Napataas naman ako ng tingin dito. "Talaga?" Tanong ko pa at naging excited. Bawas gastos din yun kasi.

"Oo, basta sumama ka lang." ungot nito sa akin na iginalaw-galaw pa yung balikat.

"Basta one month libre ang food ah. My choice." Deal ko rito.

"Oo, kahit doon pa sa pinakamahal na resto." Tanggap naman nito.

Ngumisi naman ako. "Deal." Saad ko at tumayo na ako. Pumanhik na ako sa banyo para maligo. Mabilisan lang naman ito. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng isang pants at tshirt at lumabas na ako habang sinusuklay ko ang basa kung buhok.

"No! No! No! You are not wearing that thing!" Biglang tili naman ni Misha at agad akong hinila nito pabalik sa kuwarto ko at biglang nanhalungkat ito ng damit sa closet ko. Particularly doon sa mga damit na sa undercover mission ko. Para itong may sinuong na kung ano bago nakapili ito. "You're wearing this dahil hindi ka papapasukin doon sa club." Utos nito sa akin.

Marahas akong napabuntong hininga at kinuha ko ang damit na kinuha niya. It is a gold glittered mini bondage dress at hinubad ko na kaagad ang damit ko at isinuot yun. Hindi naman ako conscious kay Misha. Agad naman na blinodry ang aking buhok at hinayaan lang itong malugay hanggang bewang ko ang unat kong buhok.

Napangiwi naman ako ng isinuot ko ang pumps na kulay nude at nagspray si Misha ng pabango sa akin na nasa drawer ko lang. She even put a little make up on my face.

"Done." Saad ni Misha ng parang masaya na ito sa itsura ko. "Let's start this night with a bang." Ngising saad nito at hinila na nito ako palabas ng condo.

May naghihintay na sa amin na taxi kaya agad na kaming sumakay. Si Misha na rin ang nagsabi kung saan na club yun dahil wala naman akong alam kung nasaan yun.

"Club Aphrodisiac, kuya." Saad ni Misha.

Napangiwi naman ako. Pangalan pa lang, parang may masama ng binabalak. But usually, mga weird na talaga ang mga pangalan ng mga club ngayon. Sa palagay ko ito ang patok ngayon.

Hindi naman ganun katagal ang biyahe at huminto na nga ang taxi sa harap ng club. May mga nakatayo sa labas na tila may mga hinihintay. May dalawang bouncer din naman na nakatayo sa may entrada. Agad na kaming bumaba ni Misha at napabuntong hininga na lang ako dahil dito pa lang sa labas, ay naaamoy ko na ang alak.

"Let's go!" Kaladkad sa akin ni Misha at agad naman kaming pinapasok ng dalawang bouncer. Halatang kabisado ni Misha ang lugar dahil alam na alam nito kung saan kami patungo. Dahil kung baguhan ito dito, pagkapasok pa lang namin ay hihinto kaagad ito at titingin tingin sa paligid at magmamasid. Ganun si Misha, kaya alam ko na iilang beses na rin itong nakapunta rito. "There!" Saad ni Misha ng nakita nito ang hinahanap.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now