40. The Other World

26.4K 1.4K 161
                                    

August's POV

I can feel the sand on my palm. The gritty textures as I squeezed my hand on it. Napamulat ako ng mata at ang unang sumalubong sa aking mga mata ay ang tirik na tirik na araw. Biglang napabangon ako at sumalubong na naman sa aking mga mata ang karagatan.

"The fuck?" Naisambit ko na lang. how did I end up in the shore? And where the heck is this?

The sand is white like literally white. Sa ibang karagatan ay medyo yellowish ang nakikita ko but this one, it's white. Napagako naman ang tingin ko sa di kalayuan at nay nakita akong nakahiga doon. Agad ko naman namukhaan ang suot nito.

"Misha?" Napatayo ako pero muntikan naman akong natumba dahil lumubog ang sapatos ko sa buhangin kaya agad ko itong hinubad. Tumakbo ako patungo kay Misha na ngayon ay tulog o walang malay. I am not sure. Niyugyog ko siya at pilit na ginigising. Kumislot naman ito.

"Five minutes mom." Saad nito at tumagilid.

The hell? So tulog nga talaga ang babaeng ito. Kaya niyugyog ko ulit ito. "Misha, gumising ka! Now!" Nilakasan ko pa ang boses ko na naging dahilan para mapabangon siya.

"God, what is wrong—" hindi niya naituloy ang sasabihin ng napatingin ito sa paligid. "Where the heck are we?" Napatingin ito sa buhangin. "Are we in the Bahamas?"

I facepalmed. Paanong nasabi niyang bahamas? Nakapunta na ba siya dun? We don't even have any idea kung nasaan kami.

"I don't know Misha. When I woke up we are already here." Saad ko rito. I remember what happened. Humarang si Vladimir sa amin ang some incantation was cited and we were thrown into the pit of only god knows what.

"Oh my gosh, don't tell me ito yung get away natin? Grabe naman si chief. He doesn't have to do to the extent na may haharang sa atin sa daan and some weird pentagram appeared just to do this surprise." Saad pa nito at tumayo na ito mula sa buhangin.

I don't think she's right. Even the president or the royalty in Denmark could not do something like that. And this beach, I never seen anything like it before. Wala akong ka-ide-ideya kung nasaan kami. Kung saan lupalop ito ng mundo.

"I don't think this is Bahamas but we need to find any person here. We will ask where are we." And the heck where are those idiots? Magkasama kami kagabi pero wala sila? Or are they even here in the first place.

"Wala man lang ni isang cottage?" Nagtatakang tanong pa rito.

I rolled my eyes. I just can't believe she still have time to think about cottage na hindi nga namin alam kung nasaan kami. All we see is the blue ocean, the white sand and thick forest.

Binaybay namin ang sand bar and we did not even see a single soul here. Like this is a barren land with rich culture. And heck, I am still on my gown. Laking pasalamat ko na lang dahil umiihip ang hangin and I don't feel the humidity at all. Pakiramdam ko ay walang katapusan ang sand bar na ito and still we are seeing the thick forest na wala man lang senyales na may daan doon.

"God, what is this place? My phone is not working. No signal at all." Reklamo ni Misha na ngayon ay iwinagayway ang cellphone sa itaas at naghahanap ng signal. "My phone is roaming and heck, I can't get any signal at all." Reklamo nito.

"Give it a rest Misha. We need to find people so that we will know where the heck are we." Turan ko naman rito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad. The sun is about to set and I am afraid na maabutan kami ng dilim dito sa lugar na hindi kami pamilyar. Hindi ko alam na baka may mababangis na hayop rito o kaya naman mga bandido.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now