6. Meeting the Alpha Team

35K 1.8K 370
                                    

August's POV

Nag-impake na ako ng mga damit ko. Pansamantalang hindi kami tumatanggap ngayon ng mga assignments dahil sa training na mangyayari sa Batanes. Yes, you read it right. Sa Batanes yung location ng training namin. The heck, ang daming malapit na pwedeng magtraining, doon pa talaga sa lugar na kung saan parang hindi na sakop ng Pilipinas. This city is already near china and japan. Konting tumbling na lang. Pero ano ang karapatan kong magreklamo? It was the admin who choose the location para na rin daw makapasyal ang mga dayuhan dito sa Pilipinas.

Lumabas na ako ng condo. May sundo kami na service van dahil patungo kami sa Clark International Airport. Doon ang departure airport namin at kailangan pa namin magtravel patungo doon. There is private plane na naghihintay sa amin doon. They could not risk daw to buy ticket and put our identities. Kaya nakaprivate jet kami, courtesy of CIA United States. Yaman lang di ba? Wala pa akong kilalang tao na nagmamay-ari ng isang private jet. Yung mga mayayaman na naririnig ko kahit sila ay yung airline ang gamit nila, hindi private jet. I think only filthy rich who can have those private jets after all.

"Alas tres pa lang. Pwede naman sa NAIA ang departure bakit doon pa sa malayo?" Reklamo ni Misha. Ganito talaga ito dahil apektado ang tulog. Just like me, I love sleep so much.

"For security purposes yun. Alam mo naman na kasama natin ang Alpha Team. There is a possibility that they will be targeted." Sagot ko naman like I know about it.

"Kunsabagay." Sagot na lang ni Misha sa akin.

Bumaba na kami at agad namin nakita sa intrada ang service van na sasakyan namin. Nakabukas na yun at nakita ko naman si Reed na nag-aabang at nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

Napangiti din ako. Somehow, I felt relief dahil wala na ang bakas ng lungkot sa mukha nito unlike the last time we talked. Agad itong sumalubong sa amin at kinuha nito ang dalang maleta ko.

"Wow, kay August lang? Paano naman ako?" Reklamo naman ni Misha.

"Ako na dyan." Agaw naman ni Ryujin sa maleta ni Misha at naglakad na ito patungo sa service van.

"Halaka, anong nakain nun at tinulungan ako?" Nagtatakang tanong ni Misha. Paano ba naman kasi, Ryujin is the type of guy na walang pakialam at hindi ito matulungin when it comes with carrying something. We don't know maybe that is their culture since he is Japanese.

I shrugged. Ayoko naman mag-assume dahil hindi naman ako asumera gaya nitong si Misha. "Don't assume Misha, baka nagmamadali lang yun kasi ang bagal natin." Saad ko na lang dahil yun lang ang naiisip ko.

"Haha. Tama, kanina pa yan naiinip. Muntik na nga yan sumugod kanina sa condo niyo." Natatawang saad naman ni Reed.

Napanguso naman si Misha. "Tss. Kahit kailan talaga, yang mga hapon." Saad na lang ni Misha.

Ryujin is very particular with time. Pagsinabing alas tres, eksakto talaga yan. He's time conscious freak. Hindi tulad namin ni Misha na late lagi.

"Let's go inside. Malamig dito." Saad ni Reed at tsaka nauna na itong maglakad at pumunta naman ito sa likuran para ipasok doon ang maleta ko.

Agad na kaming pumasok ni Misha sa loob. At nauna itong umupo sa window seat. Hindi na ako nagreklamo kaya tumabi na ako sa kanya. Ilang sandali din naman ay pumasok na si Reed at tumabi ito sa akin. Agad naman nitong sinarado ang pintuan ng van at nagsimula na ang pagtakbo. Madilim pa ang paligid at puro city lights lang ang nakikita namin, but the good thing about traveling at this hour is no traffic papuntang NLEX.

Naging mabilis ang pagtakbo ng van at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako. Traveling to clark is not a close distance dahil galing pa kaming metro manila. It may take about 3 hours ang biyahe papunta roon. Namalayan ko na lang na nakahilig na ako sa balikat ni Reed but I did not mind. Sanay na kami, minsan siya din itong nakakatulog na nakahilig sa akin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now