54. Say Something

25.5K 1.3K 204
                                    

August's POV

I was sleeping soundly when the annoying voice of Misha woke me up. It was like a screeching sound of bird and it annoys the hell out of me. I was frowning and ready to throw a fit pero naunahan na niya ako.

"Bumangon ka na! Magsisimula na ang welcome party doon sa auditorium." Saad sa akin ni Misha and I can see she's ready as well. She's just wearing a simple jeans and a tshirt, nothing special but she's ready. Unlike me, I am in my night dress.

Tumagilid na lang ako bago nagsalita. "I don't have plans on joining so please spare me." Saad ko na lang at pumikit ako ulit. Pero ang makulit na si Misha ay niyugyog pa talaga ako kaya napamulat ako ng mata na asar na asar. Parang gusto ko na itong sapakin sa asar. Ayokong talaga yung naiistorbo ako sa tulog ko.

"Dani is waiting outside our room. Nakakahiya na paghintayin yung tao." Saad pa nito.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Pakialam ko kung naghihintay si Dani? Hindi ko naman siya inutusan na maghintay. But I could not even say that. I am not that heartless kaya pinigilan ko na lang ang sarili kong maasar.

"Oo na, maliligo muna ako. Papasukin mo na lang baka lamukin pa yan sa labas." Saad ko kay Misha at bumangon na ako kahit nahihilo ako dahil sa tulog.

Nagdala na rin ako doon ng isang jeans at isang tshirt na basta basta ko lang kinuha at mga undergarments. Mabilis lang ang ginawa kong ligo dahil nilalamig din ako. Ni hindi na ako nag abalang magmake up. Basta sinuklay ko na lang yung buhok ko.

Lumabas na lang ako sa banyo at hindi ko kaagad napansin ang panauhin sa silid basta pumunta ako sa kama ko at nagpatuyo ng buhok gamit ang blower.

Lumabas na lang ako sa banyo at hindi ko kaagad napansin ang panauhin sa silid basta pumunta ako sa kama ko at nagpatuyo ng buhok gamit ang blower

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I am wearing a white off shoulder top long sleeves and ripped blue jeans. Hindi pala tshirt yun, kundi long sleeves. Isinuot ko na lang ang sheer stilettos na kulay puti din bago ko pa napansin si Dani na nakatingin pala sa akin.

Nagulat pa ako rito at biglang nailang dahil sobra ito makatitig. Akala mo isa akong alien na ngayon lang niya nakita.

"Ahm.. sorry at pinaghintay ko kayo." Saad ko rito na naging dahilan para maputol ang pag mumuni-muni nito.

"Ah... hahaha, that's okay. Kasalanan ko rin, ako may gusto maghintay eh." Sagot nito and she even scratched her nape. But she's still glancing at me like she wanted to say something but she couldn't.

"Mabuti nga si August, hindi yan umaabot ng dalawang oras maligo. 15 minutes sakto na sa kanya. Palibhasa, di na kailangan magpaganda." Saad naman ni Misha at sinimangutan ako.

"Oh, ba't ganyan na naman sinasabi mo? Wala naman magbabago kahit isang oras pa ako maligo." Sagot ko rito. "At tara na nga, kanina pa naghihintay tong si Dani nakakahiya." Yaya ko na rito dahil sigurado ako na mapapahaba na naman ang usapin yun kung patuloy ako na uupo rito.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now