11. A Hard Day

31.6K 1.8K 307
                                    

August's POV

Natapos yung training namin kahapon ng matiwasay but something is wrong about Reed and Draco. They seems to be off, like something is stirring between the two. Kahit kapansin pansin iyon ay hindi na kami nanghalungkat pa dahil ayokong mapasali sa kung ano man ang issue ng dalawa. Magulo na nga buhay ko dadagdagan ko pa.

Ngayon naman ay nandito kami sa labas sa harap ng obstacle course. There are wheel tires na pakiramdam ko ay sa ten wheeler truck ang laki and it has metal on it. May mga lubid na nakakabit dito. There are even rope ladders, stone wall, mud path and flying logs that you have to dodge.

Hindi na ako nagulat sa mga ito dahil naranasan na namin ito dati. Sabi ni Draco, few days start of the training are the basic para hindi daw magulat yung mga muscle namin. Dahil after daw ng mga basics it won't be easy daw.

Nawala naman yung ilang ko kay Draco. Ewan ko hindi ko alam kung paanong nawala basta napansin ko na lang na nawala na yung hiya ko. Hindi ko alam na ang gamot lang pala eh harapin ang taong kinahihiyaan mo.

"Okay ka lang ba? Hindi ka na ba iniinis ni Scarlet?" Biglang tanong ni Reed sa akin pero yung tingin nito ay nasa obstacle course.

"If verbally, wala pa naman ngayon pero mga tingin, nonstop yun. Hindi ko alam kung ano ang problema ng babaeng yun." Sagot ko naman dito na nakakunot ang noo.

"Sabihin mo lang, just tell me what to do. I am still the Captain of Delta Team still higher than her." Saad naman ni Reed sa akin na pakiramdam ko ay may binabalak ito.

Napatingin naman ako rito at ngumisi. "Wag na. Hindi bagay sayo ang mang-away ng babae. Mas bagay sayo ang maging cool lang." sagot ko rito na ikinangisi naman ni Reed.

"I know, pero ibang usapan na kung lagi ka niyang inaatake. Alam kong hindi ka niya kaya, pero hindi naman ako papayag na uupo lang ako at manonood sa inyong dalawa." Sagot naman nito sa akin na halatang may bahid ng inis ito kay Scarlet.

"Haha! Oo, sasabihin ko sayo kung hindi ko na kaya. Pero sa ngayon, I can still do it. Hindi oobra ang kamalditahan niya sa akin." Ngising sagot ko rito. Wala akong ideya kung anong gagawin nito kung hihingiin ko ang tulong niya.

"I should not step on your bad side." Saad ni Reed sa akin at umiiling iling pa.

Ngumiti lang ako at ibinalik na namin ang tingin sa obstacle course.

"Not paying attention?" Biglang puna ni Draco na lumapit sa aming dalawa ni Reed. Madilim ang anyo nito na pakiramdam ko ay galit na naman sa kung anong dahilan.

"Sir, No Sir!" Sigaw namin ni Reed, ganun naman dapat ang sagot eh.

"Then recite what I just said earlier." Utos nito na sa akin nakatingin.

Napataas naman ang kilay ko rito. Anong problema ng lalaking ito? Oo, nag-uusap kami ni Reed but it doesn't mean na hindi kami nakikinig sa kanya. Kilala ba niya ang tawag na multi-tasking? Kaya imbes na awayin ito o balangin ay sinagot ko na ito sa utos nito.

"All obstacle courses has the maximum time to finish in five minutes. Your goal is to finish all the courses lower than the maximum time. Any of you will fail the test, you'll receive the punishment." Sagot ko rito. Akala siguro nito ay hindi ako nakikinig kanina eh dinig na dinig ko yun.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Draco. Mukhang hindi nito inaasahan na makakasagot ako, and then what? Ipapahiya ba niya ako? Kung ganun man, wala talaga itong pinagkaiba sa Cayden na yun. Konti na lang iisipin ko na talagang si Cayden ito, but still it is impossible, not unless they find their way to our world.

"Good. Now, go there." At itinuro nito ang puwesto ni Ryujin. "From now on, both of you will not stand next to each other." Utos ni Draco na akala mo nanggigigil.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWo Geschichten leben. Entdecke jetzt