71. Frontline Attack

22.2K 1.2K 192
                                    

August's POV

Halos magtago na kami sa likod ng puno ng maglaban laban na ang mga knights at iba pang kasama namin sa mga demons.

Mga hindi kapanipaniwalang bilis ang nakikita ko. Kung sa ordinaryong mata ng tao ang makakakita nito ay talagang hindi makikita ang mga galaw nila. Kahit ako ay nahihirapan na sabayan ang mga galaw nila. They are blurred in my eyes.

Tama nga ang sinabi ni Sephira sa akin na dapat, pag-aralan muna namin, kami na hindi pa nakakalaban ang isang actual na demon dahil baka kakasimula pa lang ng laban ay namatay na kami dahil sa gulat.

"Fuck, lahat ba ng demon ganito kabilis?" Kinakabahang tanong ko rito habang nakalapat ang isang kamay ko sa kahoy ay mahigpit naman ang hawak ng kanan ko sa aking espada.

"If my hunch is correct, this is the slowest speed they got. This is this first line of defense, kaya malamang mahihina ang mga ito." Sagot nito sa akin na ikinalunok ko naman.

Pucha, mahina pa ang mga ito? Sa tingin ko nga ay ang lakas lakas na ng mga ito. Pero hindi umabot ang tatlong minuto ay bumagsak na ang mga demon. Hindi ko nakita kung paano pero alam ko na napatay nila ito.

"They killed those thing." Saad ko naman na parang hindi makapaniwalang nakatingin sa mga katawan na ngayon ay wala ng buhay.

"Of course, mahihina lang ang mga demon na yun. Mabilis lang sila pero hindi malakas." Saad naman ni Sephira sa akin. "Next encounter ay siguradong masasama na tayo sa labanan. Kaya humanda ka Raven. Kill them before they can touch you." Saad nito sa akin.

Wala sa sariling napahigpit lalo ang hawak ko sa dala kong espada. I should just move quick right? Mabilis na rin naman ako, pero hindi pa ganun kalaki ang kompyansa ko na matutumbasan ko kaagad ang bilis ng mga demon. They are ridiculously quick. It is so inhumane!

"If only I have a choice." Naibulong ko na lang. Kung pwede lang mamili ay mas gugustuhin ko pang matulog na lang dahil mas mapapabilis ang buhay ki rito pero wala akong choice dahil ginusto ko ito. Ang pagsali ko rito ay hindi trip trip lang.

"Don't let the demon touch you. They will infect you right away with direct contact." Saad naman ng isang knight na hindi ko kilala ang pangalan. Mabuti na lang din at ni isa sa kanila ay wala akong mamukhaan. Ibig sabihin ay hindi ko pa sila nakikita noon sa palasyo at mas lalong hindi rin nila ako nakita.

"Copy." Kuro namin lahat.

Mahigpit ang hawak ko sa aking espada. Nakikiramdam ako sa aking paligid habang naglalakad kami. Hindi ko rin maiwasan ang malakas na pagtambol sa aking dibdib dahil sa kaba.
Masukal at makapal ang hamog at madilim pa. This is a perfect location for a massacre! This is fucking creepy at parang gumagapang sa buong katawan ko ang kaba.

Pero napahinto na lang kami sa paglalakad ng biglang naramdaman namin ang paggalaw ng may sa itaas namin kaya agad kaming nakatingala at doon ay nakita namin na umaatake mula sa itaas ang limang demon na parehong may pakpak at nagmumukha itong mga taong paniki! Peste, manananggal ata ang mga ito!

Sa sobrang takot ko ay agad kong itinaas ang espada ko at iwinasiwas yun sa ere hanggang sa may natamaan ako at nakarinig ako ng sigaw. Napatingin ako sa lupa at bumagsak doon ang aking tinamaan kaya agad ko itong nilapitan at sinaksak para tuluyan na mamatay. The freaking demon looks like a monster to me! Kung sa pilipinas ito, considered na itong aswang! Fuck! I don't like aswang! But I am trying to remind myself that this is not somekind of folk lore monster in the Philippines. These are demons.

Hinihingal ako pero hindi dahil sa pagod kundi dahil sa kaba. Nakakatakot ang ganitong misyon na ano man oras ay pwedeng magkamali ka. Mas malala pa ito kesa sa mga nakalaban ko na mga orcs dati. At least, hindi mabibilis ang mga galaw nila pero ang mga ito, anak ng sardinas! Akala mo laging nakafast forward.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHOnde histórias criam vida. Descubra agora