8. Training Ground

32.9K 1.9K 350
                                    

August's POV

Nakangangang nakatingin kami sa property ng CIA. Who would have thought na ganito kaganda yun. It is a mansion with colorful flowers around na may tulips pa na hindi ko alam na nabubuhay pala ang tulips doon. There are even roses as well. The mansion is grandiose na pakiramdam ko ay manliliit ako kung papasok ako doon. It is too much for my liking.

"August, training ba talaga ito o magbabakasyon tayo?" Nakangangang tanong sa akin ni Misha. Mayaman si Misha, pero hindi kasing sagana ang bahay nila gaya nito.

"Let's go inside." Saad ni Reed na tila hindi man lang nagulat sa mansyon. Even Draco and Marcus na parang normal lang sa kanila ang nakikita.

"Nice." Saad lang ni Scarlet.

Nagsimula na kaming naglakad papasok at may mga sumalubong naman sa amin na mga amerikanong nakatuxedo. They ushered us inside and they even have head sets communicating with each of the members. Halatang security ang mga ito. Secret agents with guards, san ka nun?

Isa-isa kami ng kuwarto lahat. The rooms are not that big, but still it is luxurious. This is indeed the training house dahil ang daming kuwarto. I think it can cater fifty guest. All girls were room in the same area, while the boys was roomed in the opposite area. Tatlong babae lang kami kaya hindi magiging masyadong maingay ang hall namin. Unlike them kung magiging maingay sila, talagang magiging maingay.

Agad na akong nagbihis ng itim na tank top at isang fatigue na pants. I brought my caliber .50 AE na Desert Eagle handgun, pero naka safe mode ito dahil masyadong makapaminsala ito.

I just did a messy bun hair, my usual get up at lumabas na ako ng kuwarto. It is time for our training. Orientation pa naman daw ngayon but we will have our basics right now with disarming. It sounds easy, but I feel it's not.

Iginiya naman ako ng isang security doon sa isang silid na may bakal na pinto. Agad naman na bumukas yun at nadatnan ko ang Delta Team na  nakaupo sa single chairs habang ang Alpha Team naman ay nakatayo at nakaharap sa mga kasama ko. Tumango lang ako sa kanila at umupo na ako katabi ni Luna.

"I will now formally introduced myself. I am Captain Draco Sylveria, twenty five years old graduated from Walden University in Minneapolis with a Ph.D of Criminal Justice. I want all your attention to me, when I am teaching or giving instruction. Follow orders. Every violation is equal for one punishment." Saad ni Draco.

Napanganga naman ako. Fucking shit, Ph.D na ito sa criminal justice? Ni wala nga akong masteral doon! Balak na niyang maging general? Kung ganun na kataas yung antas niya, bakit nasa undercover department pa rin siya? Choice niya lang?

"I'm Marcus Sol Wylium. We have the same university and Ph.D. Let's be cool." Pakilala naman ni Marcus sa amin at napanganga naman ako nito. They have high credentials, kaya ba ganito sila kagaling?

"I am Scarlet Green, graduated from Keiser University, Master of Arts in Criminal justice." Pakilala naman ni Scarlet at halatang proud na proud ito at tinapunan pa ako nito ng nakakalokong tingin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

Nagpakilala naman ang dalawa na galing din sa kilalang university. They all have good credentials at masasabi ko na magagaling sila. You can't gain those Ph.D without the ability.

"It's your turn to introduce yourselves." Saad ni Draco sa amin.

Napabuntong hininga naman ako dahil local lang naman ang academy namin. Hindi tulad nila na mga top universities sa US when it comes with criminal Justice. Yung mga Ivy League Universities kasi hindi offered ang ganitong courses.

"I am Captain Reed Alexander Montero, graduated from University of Philadelphia Master in Criminal Justice, twenty five years old." Pakilala ni Reed.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon