16. Hidden Heartbreak

33.6K 1.7K 531
                                    

August's POV

"Are you crazy? Bakit mo pa sinuntok si Draco? Tingnan mo ngayon yang sarili mo!" Galit na saad ko kay Reed. Pansamantalang inasikaso ito ng doctor dahil nabali lang naman ang ilang buto nito sa kamay dahil sa matinding pagkakasapak niya kay Cayden pero ang resulta yung kamay yung nabali niya. Mala bato ang katawan ni Cayden at hanggang ngayon hindi man lang nila marealized yun.

Naging tahimik lang si Reed at hindi nagsalita. May lungkot sa kanyang mga mata at parang kay lalim ng iniisip nito. Dinig na dinig ko ang mga sinabi niya kanina, pero hindi ko na yun binigyan ng kahulugan. Maybe that is one of his antics again to shoo away some suitors. Pero aminin ko man ito o hindi, I can feel that it was different. It seems like what he said was real.

"Ano naman kasi ang nangyari sa loob August? Hindi kami makapasok kanina, tapos biglang lumindol pa, kaya naglabasan kaming lahat." Tanong naman sa akin ni Misha na nakakunot noo ngayon at halatang nagtataka ito sa sitwasyon ni Reed.

Bumuntong hininga naman ako. "It's a long story Misha. Muntikan kaming magpang-abot ni Scarlet and Reed ended up with broken bones dahil sinapak niya si Cay-Draco." Muntikan pa akong magkamali sa pangalan! Napakagat tuloy ako sa aking dila!

"As in? Sayang, hindi ko man lang napanood! Hindi ko tuloy maimagine kung ano na naman ang mga pinagsasabi ng babaeng yun." Reklamo nito na lumalabas na naman ang pagiging chismosa nito. "And him, ano naman ang problema at nanapak siya?"

Umiling ako. "I am not in the position to answer your question. Tanungin mo siya, it up to him kung sasagutin ka." Sagot ko rito. Ayoko naman na magmula sa akin ang dahilan kung bakit nasapak ni Reed si Cayden.

"Eh parang wala naman balak yan nagsalita. Pati ba bibig pinansapak kaya nagkaganyan?" Tanong pa nito.

Pinandilatan ko naman ito. Kung anu-ano ang iniisip nito. Naririnig ito ni Reed kaya sobrang awkward. It's obvious na ayaw nitong magsalita, pero ang pesteng si Misha makulit pa ito sa alipunga.

"Lumabas ka na nga lang. Baka mas lalong lumala lang yang kamay niya dahil ikaw na naman ang masasapak niyan dahil sa kadaldalan mo." Sita ko rito at sumenyas ako na lumabas na ito doon. I need to talk to him alone.

"Tss. Oo na! Lalabas na nga! Diyan na kayo! Mga KJ!" Sabay layas ng bruha.

Napapailing na lang ako. Hindi ko talaga alam kung paanong naging kaibigan ko si Misha, may sapak kasi ito minsan eh. Napatingin na lang ako kay Reed na mukhang wala talagang kabalakbalak na magsalita ito kaya naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

I was horrified when Reed punched Cayden directly on the face pero mas nagulat naman ako ng nasalo ni Cayden ang kamao ni Reed ng walang kahirap-hirap. He did not even move an inch he did not broke a contact with me. Cayden is still looking at me while he was gripping Reed's fist.

"Fuck you! Get your hands off me!" Galit na sigaw ni Reed.

Matalim na tumingin si Cayden dito. "You don't learn your lesson, do you?" Sagot ni Cayden at pabalang na binitawan ni Cayden ang kamay ni Reed and Cayden has the menacing look while eyeing Reed.

"Who do you think you are huh? Kabago-bago mo pa lang dito. Nang-aagaw ka na? Anong karapatan mo? Kaya kung ako sayo, lubayan mo si August!" Galit na sigaw ni Reed. Tatakbo na sana ako para pigilan ang dalawa pero nanigas naman ako ng magsalita si Cayden.

"Who do you think I am? I've known August, more than you know her. I am here for her. And you have no fucking right to tell me what to do, if you don't want to feel my wrath then get out of my fucking way." Banta ni Cayden and his jaws are clenching resulting for a ring to form around his mouth. It is a proof that he is really pissed off now.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now