69. Full Moon Agony

25.2K 1.1K 118
                                    

August's POV

Hinihingal ako habang paupong bumagsak ako sa damuhan at pinupunasan ko ang aking pawisang mukha. I was training alone habang si Cayden ay naghahanda sa kanilang pagpunta sa Kimera para sa gaganaping digmaan.

He was fixed with the decision on not bringing me there. But something is pulling me to go to Kimera lalo na at may narinig akong usap-usapan ng mga faculty. Hindi ko sinasadyang marinig yun. Hindi rin ito sumagi sa utak ko noon at hindi din ako nagtaka. Hindi ko akalain na ang akala kong normal na mundo ay hindi pala.

Flashback:

Naglalakad akong patungo sa likod ng Amphitheater dahil gusto kong mapag-isa. Ayaw talaga akong isama ni Cayden kahit gustong gusto kong sumama. Nakakasama ng loob. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya akong isama. Ayaw niya lang akong mapahamak pero di ko pa rin maiwasang sumama ang loob dahil gusto ko rin makatulong.

Kaya dahil gusto kung magpalipas ng sama ng loob ay naglakad akong papunta sa likod ng amphitheater kung saan ay hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Wala ditong nagagawi dahil walang upuan dito at puro puno ang nandoon.

Paliko na sana ako ng may naulingan akong nag-uusap sa likod kaya napahinto ako. Aatras na sana ako dahil hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero napahinto ako lalo ng naging interesado ako sa pinag-uusapan nila.

"Sigurado ba kayo?" Tanong ng isang boses babae. "Alam niyo na isa itong sensitibong usapin."

"Yun ang sinabi ng Headmaster. Kailangan ng maibalik ang Core. Dahil mas mapapabilis ang buhay natin lahat. We are aging fast. We age like normal humans do." Sagot naman ng isang lalaki.

"Hindi ko pa rin maisip hanggang ngayon kung paanong nakuha yun ng mga kalaban. Mabuti na lang at hindi nila alam paano gamitin yun. That was an ancient crystal source of energy and it was stolen the day when King Laurent was killed." Saad ng isapang boses.

"Walang nakakaalam kung sino ang kumuha ng core at kung paanong nasa kamay ito ngayon ng mga kalaban. And this is the reason why the infection is happening. Dahil sa masamang hangarin, ay naglalabas ito ng negatibong enerhiya na kumakain sa lahat ng positibong enerhiya ng isang Pandorian. Ni walang nagawa ang namayapang hari at reyna. Hindi ko akalain na walang kapangyarihan ang reyna." Saad ng babae.

"Sino ba ang mag-aakala? Alam natin na may kapangyarihan si Queen Snow. Yun ang alam ng lahat." Saad naman ng lalaki.

"She was. Hindi ko rin alam pero may kapangyarihan si Queen Snow. Pero nawala." Saad ulit ng narinig ko ng boses pero hindi ko sila kilala.

"Kailangan ba natin ipadala ang Royals at Elites sa Kimera para bawiin ang Core?" Tanong naman ng babae.

"Yun lang ang paraan. Ang mga beteranong Knights din ay pupunta sa Kimera. Magiging delikado ang misyon dahil tayo ang susuong sa kalaban." Saad ng isa.

Napaatras na ako simula nun. Hindi ako makapaniwala sa narinig. I don't have any idea what is this core all about pero naiintidihan ko na importante ito. Paanong hindi rin ako nagtaka kung paanong tumanda ang lahat? Alam ko na mas mabilis ang oras sa Pandora pero nawala yun sa isip ko. Akala ko natural yun dahil matagal kaming nawala. Pero hindi ko akalain na yun pala ang nangyari. Ang core ang dahilan bakit hindi tumatanda ng mabilis ang mga Pandorian. They live longer than humans. So that means? Cayden was not really 21 years old before? I'm sure he's older pero dahil sa mabagal ang kanilang pagtanda ay inakala ko na 21 years old siya. Ni hindi ko nga ito tinanong kung ano ang edad niya. I assumed!

This time, it will be a full force attack in Kimera pero bakit hindi ako kasama? Hindi ba parang unfair naman yun? This is the battle of our world. Parang ayoko rin sa ideyang mabilis akong tatanda sa mundong ito. Dahil kung ganun lang naman ay uuwi na lang ako sa Earth.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon