39. Into the Infinity

25.5K 1.4K 153
                                    

August's POV

"What do you mean I have an ability?" Until now I was on shock. Like hell, paanong hindi kung sasabihan ako na may ability ako. Never in my life I imagined na meron ako nito dahil wala naman akong maramdaman.

"You break the wall and thrown me like I am nothing." Sagot naman nito.

Napalunok ako. "You mean, I have super strength?"

Umiling naman si Cayden. "No, it's not super strength. I have a suspicion but I am still not sure about it. You need to undergo with ability evaluation to know what element or category you belong."sagot naman ni Cayden sa akin.

So may ganun pala. Pero bakit parang hindi ko ramdam na may kapangyarihan ako? Bakit parang walang nagbago? Hindi ba dapat maramdaman ko yun?

"But why I can't feel anything?" Nagtatakang tanon ko rito. Syempre this is new to me at hindi ko talaga ito inasahan.

"There are possibilities why. It could be, the ability that you have is still weak or you already have it a long time ago that's why you did not notice changes." Sagot naman nito.

"Ah I think it's the first one." Imposible naman kasi na matagal na akong may powers. Eh di sana noon pa diba?

"Agent White." Tawag naman sa akin ni chief kaya napatayo naman ako ng matuwid.

"Sir." Sagot ko rito.

Ngumiti naman ito sa akin akala ko kung ano na. "Since your team finished the job. I'll grant you a vacation. Including your team. Like a week vacation." Saad nito sa akin.

Lumiwanag naman ang mukha ko sa narinig. "Thank you sir." Sagot ko rito ng pormal pa rin pero yung totoo gusto kong tumalon sa saya.

"We better go now." Yaya naman nito sa akin.

"Okay.... but wait magpapaalam lang ako kay Misha." Sagot ko rito. Tinawag ko naman si Misha. "Misha! Uwi na ako."

"Teka! Sasabay na ako!" sagot naman nito at nagmamadali itong lumapit sa amin. "Sa wakas naman at may bakasyon na tayo. Nakakapagod din itong misyon na to." Reklamo pa nito.

Napapailing na lang ako. Kung makareklamo kasi ito akala mo bago ito sa trabaho. Kaya sabay ba kaming lahat na lumabas suot suot pa rin ang gown ko na parang gusto ko ng hubarin. Marami din ang tao sa labas pero hindi naman sila hinuli. Pero marami na rin ang nawala. Malamang ay umalis na ang iba sa takot. May mga media na rin na nakaabang at ang iba ay kausap ang mga saksi sa mga pangyayare.

Umiwas kami sa media at lumabas kami ng ligtas. Alam ko na magiging malaking balita ito sa buong Pilipinas. Nakikita ko rin ang pagpasok ni Nate sa Police Car na nakaposas na hanggang ngayon ay wala pa rin malay.

"We're going to take this ride." Biglang saad naman ni Cayden sa amin na ikinalingon namin kung saan ito nakatingin.

Nakatingin ito sa isang itim na Ford Ranger. So he did not use his flashy car. Lumapit kami sa sasakyan at biglang tumunog naman ang cellphone ni Cayden kaya sinagot niya ito.

"Yeah." Bungad nito. Tahimik ito at biglang iginala nito ang mga mata sa paligid at biglang huminto. Nagtaka naman ako. "Okay." Usal nito uli kaya sinundan ko ang tingin nito.

Napakunot ang noo ko ng may dalawang pigura na naglalakad palapit sa amin. Wala akong ideya kung sino ang mga ito. Basta nakatingin lang din ako dito at hinihintay na makita ko ang mga mukha nila. Then in a few seconds, their face appeared at nanlaki ang mga mata ko.

"Lucas and.......Kaye?" Di makapaniwalang tanong ko rito.

"Oh my god! August!" Biglang tili ni Kaye at tumakbo ito papalapit sa akin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon