32. Forgotten Book

25.7K 1.3K 68
                                    

August's POV

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabasa ko ang mga impormasyon mula kay Misha. Nate was tailing me for safety purposes daw. Hindi ko naman alam bakit kailangan pa yun dahil wala naman kaming relasyon o kung ano. Mas lalong hindi naman kami magkamag-anak para madamay sa gulo niya kung sakali. Hindi naman lingid sa kaalaaman ko na marami itong mga kaaway.

Chineck ko na rin ang ibang email ko at usually mga mails na galing sa advertisement o kaya naman mga bill statement galing sa mga gastos ko. Isinarado ko na ulit yun at napapanhik ako sa kama at humiga. Mas nakakabuti din itong umalis ako sa bahay ni Cayden. Alam ko, kaya niya ang sarili niya pero ayoko pa rin na masama o madamay siya sa gulo kung sakali. We don't know dahil kahit nga si superman na sobrang lakas, namatay pa nga.

"I miss you...." naisambit ko habang nakatitig sa kisame. Pero napukaw naman ang atensyon ko ng tumunog ang message alert ko. May nagtext. Binasa ko kaagad yun, sana naman wag GLOBE Rewards.

From: Misha
The schedule has been moved with the underground auction. Auction will be 2 days from now.
10:29 AM

Naibaba ko ang phone. Mas mabuti na rin ito. Since it will be an underground auction nasisiguro ko na dyan maglalabasan ang mga ilegal na mga transaksyon. Kaya nagreply na ako kay Misha.

To: Misha
Nate will take me as his date during the auction. I'll be the eyes inside. Just prepare everything.
10:33 AM

Pinasa ko na yun at hindi na ako nakatanggap pa ng reply kay Misha. Malamang alam na nila yun dahil nga bugged ang mansion.

Tumayo na lang ako at nagbihis ng casual na damit. I just wore a ripped jeans and a loose shirt. Nagpony tail na rin ako at lumabas na ng kuwarto. Pupunta na lang muna ako ng resort's world at titingin ng mga kung anu-ano dun. Pero batid ko na mahal ang mga binebenta dun kaya malamang hanggang tingin lang ako. Hindi ko trip bumili ng bagay na sobrang mahal.

May mga nadaanan akong mga shop sa baba gaya ng mga chanel bags, victoria secret shop, prada at kung anu-ano pa. May mga restaurant din doon, kaso hindi ko trip kumain doon dahil mahal na nga, ang konti pa ng serving. Hindi ako satisfied sa ganun.

Tumagal ng 30 minutes yung paglilibot ko at napagpasyahan ko na sanang bumalik sa hotel room pero may nakasalubong naman akong hindi inaasahang tao.

"Nate." Bati ko rito na may halong gulat pero hindi ko yun pinahalata masyado.

"Hey Raven, it's a good thing I saw you here. I wanna give you this." Bati din nito sa akin sabay may inabot na isang black envelop na may silver linings.

Tinanggap ko naman yun. Alam ko na kung ano yun pero natural na magpanggap ako na hindi ko alam kung ano yun. "What's this?" Takang tanong ko sa kanya.

"An invitation for the Auction. The event was moved earlier than the planned date. So it will be the day after tomorrow." Sagot nito sa akin. "And it is a good thing as well that you're here. I need you to have some fitting for your dress."

Napakurap-kurap naman ako. "Ah, that... I think I can handle the dress. There is really no need for you to-"

"Just let me be Raven... I really wanted to do this. I wanted to pamper you." Sagot nito sa akin na naging dahilan ng pagkailang ako.

He is so different when he talks to me. Malayong malayo sa narinig ko kagabi habang kausap nito si General Reyes.

"Hhmm..." Yun na lang ang nasabi ko sa kanya at gumiya na kami. Uuwi na sana ako sa kuwarto naudlot pa. I kept the invitation as well dahil baka mawala pa, maputnada pa lahat.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now