25. Conflict and Desire

29.7K 1.4K 184
                                    

August's POV

"Manang nasan si Draco?" Naitanong ko na lang kay manang Hilda. Ilang araw na kasi na hindi ko nakikita si Cayden mula ng mangyari yun. I was mad at him pero namimiss ko din siya at the same time.

"Ah August... palaging may lakad si Sir Draco. Madaling araw na umuuwi at umaalis naman kaagad." Sagot naman ni Hilda sa akin habang nagtitimpla ito ng kape.

Maaga ako ngayon dahil papunta akong HQ. "Ah, ganun ba? Wala bang nasabi kung anong ginagawa niya?" Tanong ko rito.

Ngumiti naman si Hilda sa akin. "August naman, hindi ugali ni Sir Draco na magsabi kung ano ginagawa niya. Mas mabuting kayo na lang ang magtanong dahil alam kong sasagot yun." Sagot pa nito na may kasamang tudyo.

I almost rolled my eyes. Eh kung ganun lang kadali, ginawa ko na. Pero ni anino nito hindi ko nakikita dito sa mansyon niya. Konti na nga lang iisipin ko na baka bumalik na yun ng Pandora.

"Aah.. sige manang mauna na ako." Paalam ko rito na hindi na pinatulan pa ang panunudyo.

"Magbaon ka na ng pagkain Hija!" Tawag pa nito sa akin ng maglakad na ako palayo.

"May pagkain po sa work kaya okay lang ho!" Sagot ko na lang rito.

Lumabas na ako ng mansyon at agad akong sumakay sa motor ko. Nagtataka nga ako bakit di man lang sila nagtatanong kung ano ang trabaho ko. I said I was an office staff, pero nakamotor papasok? Walang uniform, di man lang nagtanong ang mga katulong sa bahay. Pero totoo pala talaga, dahil sa dami ng mga katulong, marami din tsismosa. Akala mo sinuswelduhan para lang magtsismis. May nahuli kasi ako na nagchichismisan sa buhay ng may buhay eh.

"Oo nga no? Ang ganda sana pero wala naman breedeng. Nakipaglib-in pa talaga kay ser Draco. Pustahan tayo, kayamanan lang ang habol nun." Saad ng katulong na payat at may mahabang leeg. Parang giraffe lang.

"Ay naku Loree, doon nga sa unang pinagtrabahuan ko eh mas malala. Naging lasenga yung babaeng amo ko, kasi naman yung asawa, maraming kabit tsaka hindi gaanong umuuwi. Pati kami nga pinagseselosan nun." Saad naman ng isang pandak na chubby ang katawan.

"Ganyan naman kasi ang problema ng mayayaman. Pero ako, naiinis ako kay ma'am August. Alam naman natin na pineperahan niya lang si Ser Draco kaya minsan gusto ko ng lagyan ng racumin ang pagkain eh."

Napataas naman ang kilay ko. Aba, ano naman ang karapatan ng mga to para husgahan ako? Ni hindi ko nga sila nakakausap at di nila ako kilala tapos kung makahusga akala mo kilalang kilala ko! Loree ang pangalan ng bruhang ito? Eh dapat long neck ang pangalan nito! Talo pa emperador sa haba ng leeg!

"Ba't di mo subukan Loree? Racumin lang naman pala eh. Hindi yan malala. Baka gusto mo samahan pa ng baygon?" Biglang sali ko sa usapan.

Nagulat naman ito at ng lumingon ito sa akin ay biglang namutla na ito sa takot.

"M-ma'am..." Ha! Ngayon kaharap ko na akala mo kung sinong tupa na takot na takot!

"Oh, bakit ka namumutla dyan? May mali ka ba na ginawa para mamutla jan?" Taas kilay na tanong ko rito.

"Ma'am sorry po. Hindi na mauulit." Halos mangiyak na saad nito sa akin pati ang kasama nito ay namutla na rin.

Ngumisi naman ako. "Sorry? Kahit patawarin ko naman kayo, pagchichismisan niyo pa rin naman ako eh. Ni hindi niyo ako kilala, tapos ano ako? Gold digger? Hindi ako gold digger. Graveyard digger ako at nililibing ko ang nga chismosang kagaya mo." Panakot ko pa rito.

"Sorry na po talaga Ma'am August! Hindi na po mauulit!" Hindi magkanda-ugaga si Loree sa paghingi ng tawad. She is crying.

Umismid lang ako, hindi ako maawain pagdating sa mga chismosa. I have a good side and a bad side. Just make sure, you don't get on my bad side.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon